Atong Ang, may showbiz connection bukod sa Barretto sisters

by Jojo Gabinete
Nov 8, 2019
Anak ni Atong Ang na si Elaine Yu, kabilang sa supporting cast members ng pelikulang Nuuk na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson.
PHOTO/S: @ella.yu54 Instagram

Hindi lamang ang Barretto sisters na sina Gretchen at Claudine ang showbiz connection ng controversial businessman na si Atong Ang.

Anak ni Atong ang aktres na si Elaine Yu.

Hindi pa masyadong pamilyar sa publiko si Elaine, pero lumabas na ito sa isang defunct teleserye ng ABS-CBN, ang Araw Gabi.

May short but remarkable role din si Elaine sa Nuuk, ang psycho-thriller movie nina Aga Muhlach at Alice Dixson na palabas pa rin sa kasalukuyan sa mga sinehan.

Si Elaine ang gumanap na anak ni Aga sa Nuuk.

Kahit maiksi lamang ang kanyang role, nagmarka ito sa audience dahil sa acting at shocking death scene niya na perfectly executed ng direktor na si Veronica Velasco.

Continue reading below ↓

Happily married si Elaine sa kanyang asawang si Christopher Yu at may dalawa silang anak, na tinatawag ni Gretchen na "apo" dahil malapit ang socialite-actress sa mga apo ni Atong.

Hindi maipagkakaila na daddy’s girl si Elaine dahil vocal ito sa pagsasabing napakapalad niya sa pagkakaroon ng ama na katulad ni Atong.

Tulad na lang ng post nito tungkol sa ama noong September 2018:

"I don’t often brag about how lucky I am to have my dad as a father, but it’s in times like this that I truly feel blessed that you have always been the constant in my life,” bahagi ng isang Instagram post ni Elaine tungkol sa kanyang ama.

Kahit nasasangkot si Atong sa mga kontrobersiya, sa mata ng kanyang anak na si Elaine ay isa siyang mabuting ama.

Continue reading below ↓

Naging bukas din sa pagsasabi si Atong kung gaano raw nito pinahahalagahan ang pamilya.

At nasaksihan ito ng publiko sa exclusive inteview sa kanya ni Noli de Castro sa TV Patrol noong October 24, 2019—ang gabi na pinabulaanan niya na may relasyon sila ni Gretchen at nagkaroon siya ng relasyon kay Claudine.

Dito mariing inihayag ni Atong na mahal na mahal niya ang kanyang mga anak na hinding-hindi niya ipagpapalit sa maski kaninong babae.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Anak ni Atong Ang na si Elaine Yu, kabilang sa supporting cast members ng pelikulang Nuuk na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson.
PHOTO/S: @ella.yu54 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results