Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sarah Geronimo, gusto ng anak na katulad ni Ronnie Liang

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2019
Sarah Geronimo to Ronnie Liang: "Alam mo kapag nagkaanak ako, gusto ko ganyan, katulad mo, guwapo, mabait, napakaganda ng boses…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang 12th anniversary concert ni Ronnie Liang na Love X Romance ang unang public appearance ni Sarah Geronimo, isang araw matapos ang pag-amin nila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na engaged na sila.

Ginanap ang concert sa Music Museum nitong Biyernes ng gabi, November 8, 2019.

Mainit ang pagtanggap ng Music Museum audience kay Sarah at sa kanilang dalawang duet number ni Ronnie—ang "Shallow" mula sa A Star is Born at ang original Pilipino music na "Liwanag" na unang collaboration nila.

Sabi ni Sarah kay Ronnie, “Alam mo kapag nagkaanak ako, gusto ko ganyan, katulad mo, guwapo, mabait, napakaganda ng boses… huy, walang halong bola ito, ha?"

Sabi naman ng singer-actress sa audience, "Kami ni Ronnie, hindi ho kami ganoon ka-close.

"Pero every time I see him, para bang may familiar… parang magaan na magaan ang loob ko sa kanya, kasi ang saya-saya niya na kasama.

"Ang iniisip lang niya, selfie. Mag-selfie kami, ako naman tuwang-tuwa.

Continue reading below ↓

"At saka I believe in his talent so much.

"I think na yung ganoong klase ng boses, ganitong klaseng talent, e, rare talaga.

"Nag-iisa lang siya sa industriya po natin kaya I’m very, very happy and rejoicing that this concert has finally happened.

"Long overdue na 'to kaya congratulations, Ronnie."

Halos hindi naman makapagsalita si Ronnie dahil malaking karangalan para sa kanyang pinagbigyan ng singer-actress ang imbitasyon na maging special guest ito sa 12th anniversary concert niya sa Music Museum.

Saad ni Ronnie, "Since Pinoy Dream Academy, I was very consistent na sinasabi ko na it’s my dream na maka-duet and maka-collab ko ang isang Sarah Geronimo, and maging isa sa mga makatrabaho po at makasama sa concert.

"Maraming-maraming salamat sa support mo sa aking solo concert. Nakakataba ng puso.

"Thank you very much for your kindness and generosity."

Nagsalita naman si Sarah na siya ang dapat magpasalamat dahil ang singer-actor ang unang sumuporta at suking-suking sa mga concert niya.

Continue reading below ↓

"Anytime na kailangan mo ako, Ronnie, huwag lang pera, ha?

"Alam mo na, medyo gipit tayo ngayon!" biro ni Sarah kay Ronnie.

Nangako naman si Ronnie na nakahanda siyang sumuporta, basta kailangan siya ni Sarah sa anumang event sa buhay nito.

Totoo ang sinabi ni Sarah na rare ang talent ni Ronnie sa pagkanta dahil hindi nagbago ang maganda at buong-buo na timbre ng boses nito sa kabila ng napakaraming kanta na inawit niya.

Hindi hiningal, hindi kinakitaan ng pagod, at hindi man lamang nagalaw ni Ronnie ang mga nakahandang bottled water sa stage, in case na mauhaw siya.

Higit na nangibabaw sa kanyang mapasaya nang todo ang Music Museum audience na nanggaling pa mula sa malalayong probinsiya para suportahan ang anniversary concert niya.

Dahil sa success ng Live X Romance at sa outstanding performance na ipinamalas niya, handa at hinog na si Ronnie para magkaroon ng concert sa mas malalaking venue.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo to Ronnie Liang: "Alam mo kapag nagkaanak ako, gusto ko ganyan, katulad mo, guwapo, mabait, napakaganda ng boses…"
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results