Sanya Lopez on Gab Lagman: "Napakabuti niya na kaibigan."

by Jojo Gabinete
Nov 10, 2019
Reaksyon ni Sanya Lopez sa pag-alala ni Gab Lagman na na-bash ang Kapuso actress nang magsalita ito na nagkaroon sila ng special friendship: "Na-bash ba ako? Parang hindi naman."
PHOTO/S: Instagram

Nasorpresa nang husto si Sanya Lopez sa special announcement ni Beautederm President and CEO Rhea Tan na bibigyan nito ng negosyo package ang mga bagong celebrity endorser ng kumpanya niya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha nina Sanya, Camille Prats, Pauline Mendoza, Rita Daniela, at Ken Chan nang marinig nila ang sorpresa ni Rhea para sa kanila.

Plano ni Sanya na ipagkatiwala ang binigay na negosyo package sa kanyang ina at imbes na magbukas ng branch sa mall, iniisip niya na itayo sa bayan nila sa Nagcarlan, Laguna, ang negosyo na ibibigay ni Rhea.

Ang pagiging celebrity ambassador ng Beautederm ang pangalawang product endorsement ni Sanya para sa buwan ng November 2019.

Ang makapagpatayo ng sariling bahay na malapit sa GMA-7 ang pangarap ni Sanya kaya doble ang sipag niya sa pagtatrabaho at hindi pa siya handa na makipagrelasyon.

Inulit ni Sanya ang consistent statement nito na NBSB o no boyfriend since birth siya na pinatotohanan ni Gab Lagman na minsan nang na-link sa kanya.

Continue reading below ↓

Nang makausap namin kahapon si Gab sa 1st Aguinaldo Cup sa Kawit, Cavite, sinabi niya na nahihiya siya kay Sanya dahil nakaranas ito ng bashing mula sa mga tao na nag-akala na nagkaroon sila ng relasyon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Para matapos na ang isyu, nagsalita si Gab na hindi niya naging girlfriend si Sanya na napakabait kaya hindi raw dapat batikusin.

Continue reading below ↓

Nang iparating kay Sanya ng Cabinet Files ang mga pahayag ni Gab, nagsalita siya ng, “Na-bash ba ako? Parang hindi naman.

“Hindi po ako sure, okey lang, okey naman. Hindi po, hindi po niya ako talaga [naging girlfriend].

“Mabait po kasi yung taong yun. Mabait naman siya, guwapo naman siya, di ba? Sino naman ang parang aayawan siya.

“Napakabuti niya na kaibigan and I’m happy na happy rin siya ngayon. Happy ako, happy siya. Masaya ako na until now, magkaibigan kami,” ang saad ni Sanya.

Nang banggitin ng isang entertainment writer na talaga naman na no boyfriend since birth siya, sumagot si Sanya ng, “Opo, totoo po yun.”

“May mga nanligaw po pero siyempre, tinitingnan mo rin naman kung hanggang kailan. Nag-e-entertain din naman po ako. Kaya nga nag-e-entertain, malay mo siya na pala pero parang hangga’t nag-e-enjoy pa ako sa ginagawa ko, tingnan natin kung hanggang saan nila kaya.

Continue reading below ↓

"May the best man [win] daw, sabing ganoon.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reaksyon ni Sanya Lopez sa pag-alala ni Gab Lagman na na-bash ang Kapuso actress nang magsalita ito na nagkaroon sila ng special friendship: "Na-bash ba ako? Parang hindi naman."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results