Mark Herras, iniiwasan nang magsalita tungkol sa pagpapakasal

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2019
Mark Herras on settling down: "Hopefully, if that’s the plan of the Lord, kung puwede na Niyang ibigay sa akin yung part na yun ng buhay ko, I think it’s about time na rin. Hindi na ako bata. I’m turning 33 this December."
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

Hangga’t maaari, iniiwasan ni Mark Herras na sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang planong pagpapakasal, pero umaasa siyang mangyayari ito sa lalong madaling panahon.

Hindi ipinagkakaila ni Mark na in love na in love siya sa kanyang current girlfriend na si Nicole Donesa, kaya may mga nagtatanong kung ito na ang babaeng pakakasalan niya.

Ayon kay Mark, "Actually, iniiwasan ko na magsalita ng mga bagay na...

"Ang nakakainis kasi, there are people na, 'O, sinabi mo na yun before.'

"Kung mapapansin ninyo, I don’t really talk about it. Ina-avoid ko lang na maibalik na naman sa akin.

"Malalaman naman yun ng mga tao, so hopefully soon.

"Hopefully, if that’s the plan of the Lord, kung puwede na Niyang ibigay sa akin yung part na yun ng buhay ko, I think it’s about time na rin.

"Hindi na ako bata. I’m turning 33 this December."

Continue reading below ↓

Ulila nang lubos si Mark dahil sa sunud-sunod na pagpanaw ng kanyang mga mahal sa buhay, kaya marami ang naniniwala na ngayon na ang tamang panahon para magkaroon siya ng makakasama sa habambuhay.

"Hindi ko masasabi na batang ulila, matandang ulila.

"I’m okay. Medyo mahirap yung recovering stage.

"May mga nagsasabi pa nga na hindi pa ako talaga nakakapag-mourn nang maayos kasi nga sunud-sunod silang nawala.

"I cannot say I’m fully recovered. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako makaka-recover from that.

"Pero siyempre, laging meron sa isip ko na what’s the purpose of having that in my life?

"I’m not thinking ng sobrang negative. At least, natuto ako na kumilos kasi masyado akong na-baby nina Daddy.

"Ngayon, natuto ako na magbayad ng bills. Pipila ako sa bangko, mabuti na lang may mga mababait na manager.

"Now, I really enjoy doing it, naintindihan ko na maraming gastos sa buhay.

Continue reading below ↓

"Before kasi, parang [binibigyan lang ako] ng baon.

"Natuto akong kumilos sa buhay nang maayos, not agad-agad dahil may adjustments din.

"At least, I have work with GMA, I have Nicole, so doing good naman," pahayag ni Mark.

Nabahiran ng lungkot ang mga mata ni Mark nang mapag-usapan ang kanyang mga minamahal na sumakabilang-buhay na at naging dahilan para lalong maging responsable siya.

"Hindi na ako lumalabas ng bahay dahil ayokong gumastos, pero siguro that’s part of being... ayokong sabihin na Titos of Manila.

"I don’t really like going out na.

"One time, pumunta ako sa barkada ko sa Tagaytay, I had, like, one and a half beer, okey na ako dun. Parang I wanna go home na.

"Like, two nights ago, we had this thanksgiving party ng GMA, 12 midnight, nasa bahay na ako.

"It’s a choice," saad niya.

Nakausap ng Cabinet Files si Mark noong nakaraang Sabado, November 9, sa Aguinaldo Cup, ang exhibition basketball game at fundraising event ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo para sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Continue reading below ↓

Hindi nagdalawang-isip si Mark na lumahok sa Aguinaldo Cup, kasama ang ibang mga artista, dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa mga kababayan natin na nasalanta ng lindol sa Mindanao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras on settling down: "Hopefully, if that’s the plan of the Lord, kung puwede na Niyang ibigay sa akin yung part na yun ng buhay ko, I think it’s about time na rin. Hindi na ako bata. I’m turning 33 this December."
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results