Janno Gibbs, umaming nakakatanggap siya ng indecent proposals

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2019
Flattering o offensive? Janno Gibbs, ibinihagi ang kanyang reaksiyon sa natatanggap niyang indecent proposals mula sa gays.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagkuwento si Janno Gibbs tungkol sa mga natatanggap niyang indecent proposal mula sa gays.

Ito ay matapos siyang tanungin kung anong pagkakataon ang magpapabayad siya sa tunay na buhay, gaya ng pag-uugali ni Mang Jose—ang superhero character na kanyang gagampanan sa pelikula.

"Sa katawan ko? Willing naman ako kung malaki-laki talaga!" pabirong sagot ni Janno.

Sabay sagot ng "oo, meron" siyang natatanggap na indecent proposals.

Walang nagduda na nag-iimbento ng kuwento si Janno, na tinutuksong bampira dahil sa edad na 50 ay batambata ang hitsura at malakas pa rin ang sex appeal ng aktor.

Paano mo na-handle ang sitwasyon?

Kuwento ni Janno, "Tinanong ko muna kung magkano. Hindi masyadong malaki, e.

"May mga nagte-text na hindi ko alam yung number.

"Siyempre, hindi girl ito."

Never ka na-tempt kahit mataas ang offer?

Sagot ulit ng singer-comedian, "Ang liit, e. Hindi ko na pinag-isipan."

Pagpapatotoo pa ni Janno sa kanyang kuwento, "Hindi, totoo, totoo. Meron talaga. Siyempre hindi girl... puro gay."

Continue reading below ↓

Wala pa raw siyang natatanggap na "offer" mula sa mga matrona.

Na-offend ba siya sa nagpapadala sa kanya ng indecent proposal?

Tila mixed emotions ang sagot ni Janno.

Paliwanag niya: "Hindi offend, e. Siyempre, flattering pa nga yun, di ba? Dahil nga, 'Uy, may asim pa!'

"Nakakababa lang. Parang, 'Ha?!' Parang feeling nila, kailangan ko ng pera, yung ganoon.

"Pero it’s flattering. Hindi siya nakaka-offend, actually."

Ang relaxed na pamumuhay, diet, at exercise ang ilan sa mga sikreto na ibinahagi ni Janno kaya napapanatili niya ang kanyang youthful looks.

"Relax lang, huwag mo lang i-pressure yung sarili mo.

"Of course, nagda-diet ako ngayon nang kaunti, 'tapos exercise. I play badminton, at least, twice a week.

"For a year na, keto vegetarian ako. Effective sa akin," pahayag ni Janno.

Isa na lang ang kanyang pinoproblema—ang sleeping habits niya dahil madalas na kulang pa rin siya sa tulog

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Flattering o offensive? Janno Gibbs, ibinihagi ang kanyang reaksiyon sa natatanggap niyang indecent proposals mula sa gays.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results