Manilyn Reynes, todo hagulgol sa breakup nila noon ni Janno Gibbs

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2019
Naalalala niyo pa ba ang hit song ni Manilyn Reynes na bunga ng breakup nila ni Janno Gibbs?
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from Showbiz Inside Report

Looking forward si Manilyn Reynes sa muling pagtatambal nila ni Janno Gibbs sa Mang Jose, dahil matagal nang panahon ang nakalilipas mula nang magbida sa isang pelikula ang kanilang love team.

Sa pagkakatanda ni Manilyn, ang 1991 movie na Kung Sino Pa ang Minahal ang huling movie project nila ni Janno.

"Very excited ako dahil matagal na akong hindi nagpepelikula, so I’m really, really excited. Gusto ko nang mag-shoot," bungad ni Manilyn.

Inayos daw niya nang mabuti ang kanyang schedule—sa tulong ng asawa niyang si Aljon Jimenez—para hindi magkaroon ng conflict ang shooting ng Mang Jose sa taping ng Madrasta at Pepito Manaloto, ang regular TV shows ng singer-actress sa GMA-7.

"Inayos naman ni Aljon at ng production yung schedule, so hopefully, matupad ang mga iyon para hindi magkaproblema.

"Kasi yung Pepito, Thursdays. Kapag magpopondo, Tuesday.

"And then Madrasta, M-W-F, pero nag-usap na sila nang maayos.

"Sana matupad at walang maging hassle o gulo," ani Manilyn.

Continue reading below ↓

Ipinaala namin kay Manilyan ang wagas na pagluha niya sa recording ng hit song na "Sayang na Sayang" dahil naghiwalay sila ni Janno.

Sandaling magkasintahan ang dalawa noong late '80s.

"Puwede na bang i-reveal 'yan?" natatawang balik-tanong ni Manilyn.

Makalipas ang tatlong dekada, nagkuwento si Manilyn tungkol sa kasaysayan ng "Sayang na Sayang" na punumpuno ng "hugot" dahil halaw ito sa tunay na karanasan niya.

"Sabi nga nila, ginawa talaga yung song para dun sa nangyaring breakup.

"We were really, really young. Kapag bata ka naman, akala mo, yun na.

"And then, kapag may nangyaring ganoon, you finally realize, hindi pala kasi nga ang bata niyo pa noon."

Paano ka naka-recover?

"Siguro kasi malakas din yung will ko na parang, 'Kung hindi ka naman kikilos diyan, paano? Ganyan na lang forever?'

"Kunwari, magkita kayo, 'Hindi na? Hindi mo na papansinin and all?'

"Hindi naman yata maganda, at hindi rin maganda for me, hindi ba?"

Continue reading below ↓

Naging monster hit ang "Sayang na Sayang" kaya malaki ang pasasalamat ni Manilyn sa lahat ng mga tumangkilik sa single niya.

Balik-tanaw pa ng beteranang aktres, "I am always thankful sa lahat ng bumili ng album at single noon at sa lahat ng nakikinig pa rin sa kantang iyon hanggang ngayon.

"Alam niyo ba na every time na nagso-show ako at kinakanta ko iyon? Parang krimen kapag hindi ko kinanta dahil hinahanap nila."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naalalala niyo pa ba ang hit song ni Manilyn Reynes na bunga ng breakup nila ni Janno Gibbs?
PHOTO/S: Noel Orsal / Screengrab from Showbiz Inside Report
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results