Rhen Escaño, nagsalita tungkol sa pagtiwalag niya sa Iglesia Ni Cristo

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2019
Rhen Escaño on leaving Iglesia Ni Cristo: "Isa sa malaking dahilan yung work kaya hindi ko na nagagawa yung responsibilidad ko sa religion namin, kasi very strict nga sila. Ang daming kailangan gawin, ang daming hindi puwedeng gawin."
PHOTO/S: Noel Orsal

May sagot ang rising sexy star na si Rhen Escaño tungkol sa mga haka-hakang itiniwalag siya bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo dahil sa mga daring scene niya sa mga pelikulang Untrue at Adan.

Nilinaw ni Rhen na walang kinalaman ang pagpapaseksi niya sa mga nabanggit na pelikula ng Viva Films dahil dalawang taon na ang nakalilipas buhat nang umalis siya sa Iglesia Ni Cristo.

Saad niya, "Two years ago pa po, hindi na talaga ako nag-a-attend ng church.

"Personal choice ko po yun. May mga personal reason po ako kung bakit nangyari yun.

"Hindi rin po kasi naging madali sa akin ang process.

"Siguro yung totoong part is isa sa malaking dahilan yung work kaya hindi ko na nagagawa yung responsibilidad ko sa religion namin, kasi very strict nga sila.

"Ang daming kailangan gawin, ang daming hindi puwedeng gawin," paliwanag ni Rhen tungkol sa pagtalikod niya sa Iglesia Ni Cristo.

Continue reading below ↓

Iilan ang nakakaalaala na nagsimula ang showbiz career ni Rhen sa Walang Tulugan with the Master Showman, ang "graveyard" Saturday musical-variety show ng pumanaw na TV host at star-builder na si German Moreno.

Sina Ken Chan, Sanya Lopez, at Jak Roberto ang contemporaries ni Rhen sa Walang Tulugan pero unang nabigyan ng malaking break sa telebisyon ang tatlo.

Hindi ipinagkaila ni Rhen na muntik nang hindi niya ituloy ang pag-aartista dahil napagod na siya sa paghihintay sa big break na kanyang inaasam.

"I will be honest, may mga pagkakataon na talagang mapapaisip ka.

"Parang, 'Bakit ang tagal? Baka hindi talaga para sa akin ito.'

"Dumating sa point na parang ayoko na or magku-quit na lang ako.

"Then, Untrue happened, and then Adan.

"Sabi ko, siguro para talaga siya sa akin. Maybe, try again,” kuwento ni Rhen.

Nagplano si Rhen na muling bumalik sa school at tapusin ang tourism course niya noong mga panahong hindi siya kuntento sa mga nangyayari sa kanyang career.

Continue reading below ↓

Hindi nabalewala ang paghihintay at pagtitiyaga ni Rhen dahil tatlong magkakasunod na pelikula ang ibinigay sa kanya ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films—ang Untrue, Adan, at Rooftoop.

Importante ang role ni Rhen sa Untrue, ang Cristine Reyes-Xian Lim starrer na may playdate sa February 2020.

Introducing sila ni Cindy Miranda sa sexually explosive Adan na magbubukas sa mga sinehan sa November 20, 2019.

Mag-uumpisa naman sa November 19 ang shooting niya para sa Rooftop, ang horror movie ng direktor na si Yam Laranas.

Masaya si Rhen para sa success ng showbiz careers nina Ken, Sanya, at Jack dahil alam niya ang struggles na pinagdaanan ng kanyang mga dating kasamahan sa Walang Tulugan.

Naniniwala si Rhen na masaya rin sina Sanya, Ken, at Jak sa mga nangyayari ngayon sa kanyang career dahil magkakaibigan sila.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhen Escaño on leaving Iglesia Ni Cristo: "Isa sa malaking dahilan yung work kaya hindi ko na nagagawa yung responsibilidad ko sa religion namin, kasi very strict nga sila. Ang daming kailangan gawin, ang daming hindi puwedeng gawin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results