Andrew Muhlach, kinumpirmang ibinibenta na ang bahay nila sa New York, Cubao

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2019
Ano ang gagawin ni Andrew Muhlach sa parte niya sakaling mabenta ang bahay nila sa New York, Cubao?
PHOTO/S: Noel Orsal

Up for sale ang tahanan ni Alvaro "Cheng" Muhlach sa New York St. sa Cubao, Quezon City.

Ito ang napagkasunduang desisyon ng magkakapatid na Aga, Arlene, Albert, Almira, Aaron, AJ, Andrea, at Andrew.

Kinumpirma ni Andrew sa Cabinet files na ipinagbibili na nila ang Cubao property ng pamilya dahil ito rin ang bilin ng kanilang ama na pumanaw noong May 2018.

Lahad niya, "Ibinebenta na namin yung bahay. Yun kasi ang hiling ng dad ko bago siya namatay.

"Parang ibenta na lang yung bahay para wala nang gulo. Kumbaga, mahirap din po kasing mag-maintain.

"Malaki po yung property. Commercial kasi siya, dalawang building yun.

"Gusto niya talagang ibenta yun kapag namatay siya."

Continue reading below ↓

May nararamdamang lungkot si Andrew dahil lumaki at nagkaisip siya sa Cubao residence ng tatay niya.

"Ever since, doon ako nakatira. Simula nang ipinanganak ako, doon na talaga ako.

"Yung mga kuya ko, noong nag-asawa na sila, nagkanya-kanya na sila.

"Ako na lang ang natira, saka yung isa kong ate na nag-aaral sa UP. Kasing-edad ko rin, hindi siya nag-showbiz.

"Nung nag-decide na ibenta, nagboto-boto pa rin kami kung sino ang lamang para walang away, kasama si Kuya Aga.

"Lahat ng desisyon na nangyari, kailangan yung lamang.

"Siyempre, kapag nabenta naman yun, malamang sa malamang, lalayo [ako sa bahay]. Mahirap, pero okey naman.

"Kapag nabenta yun, iipunin ko muna, 'tapos titira ako sa mama ko sa Project 8 para libre."

Continue reading below ↓

ANDREW'S TITA NENA

Magkasunod na taon na nawalan ng mga mahal sa buhay ang Muhlach family dahil noong October 5, 2019, ang movie queen na si Amalia Fuentes ang namayapa.

Maraming damdamin ang naantig sa Instagram post ni Aga na "I will miss you all forever," na patungkol sa kanyang ama at tiya na pumanaw.

Pareho ng nararamdaman sina Aga at Andrew dahil nangungulila rin ito sa kanilang tiya na namatay.

"Kung wala naman si Tita Nena [Amalia], wala kami lahat dito sa showbiz.

"Siya rin ang head of the family. Siya ang pinakapanganay sa magkakapatid.

"Siya ang nagpaaral sa kanyang mga kapatid kasi laking hirap naman talaga sila.

"Nang magkaroon ng pangalan si Tita Nena, pinag-aral niya si Tito Alex, yung tatay ni Niño, 'tapos ‘yung papa ko.

"Si Tita Nena, driver lang niya ako dati. Pinagda-drive ko siya parati. Lagi ko siyang sinasamahan.

"Close kami dati, 'tapos noong medyo nagkaedad ako, medyo hindi na kami masyadong nagkikita," kuwento ni Andrew tungkol sa kanyang sumakabilang-buhay na tita.

Continue reading below ↓

Nakausap ng Cabinet Files si Andrew sa story conference kahapon ng Rooftop, ang horror movie na pagbibidahan nila nina Marco Gumabao, Marco Gallo, Rhen Escaño, at Ryza Cenon.

Ano ang role niya sa Rooftop?

"Best friend ko si Marco. Mahilig ako sa mga role na best friend!” ang natatawa na sagot ni Andrew.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang gagawin ni Andrew Muhlach sa parte niya sakaling mabenta ang bahay nila sa New York, Cubao?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results