Popular actress, nagsisisi sa pakikipagkaibigan sa user-friendly actress

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nagsisisi ang popular actress dahil hindi siya nakinig sa payo ng kanyang mga kaibigan na huwag makipagkaibigan sa aktres na may user-friendly image.

Naniwala ang popular actress na sincere at mabuting kaibigan ang user-friendly actress na dumamay sa kanya nang makaranas siya ng depression.

With matching personal gifts, ipinagtanggol din ng user-friendly actress ang popular actress nang magkaroon ito ng personal na problema tungkol sa isang dating karelasyon.

Huli na nang mapagtanto ng popular actress na ginagamit lamang siya ng user-friendly actress, na mahilig makisawsaw sa mga problema ng ibang mga sikat na artista dahil gustung-gusto rin niya na mapag-usapan.

Nalaman ng popular actress ang tunay na kulay ng user-friendy actress nang dumalo siya sa event ng isang kompanya.

Sa kanilang kuwentuhan, inosenteng tinanong ng company owner sa popular actress kung kagalit ba nito ang user-friendly actress.

Negative ang sagot ng popular actress dahil tunay na kaibigan nga ang turing niya sa user-friendly actress.

Continue reading below ↓

In fact, nagpapalitan pa nga sila ng mga encouraging text message at mga regalo.

Nabahala ang company owner sa narinig nitong paliwanag ng popular actress kaya ipinakita niya ang mga text message sa kanya ng user-friendly actress.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang popular actress sa mga text message na nabasa niya dahil wagas ang paninira sa kanya ng user-friendly actress.

Nanlumo ang popular actress dahil ang mga text message ang matibay na ebidensiyang totoo ang lahat ng mga sinasabi ng mga tao sa kanyang paligid na hindi dapat pagkatiwalaan ang user-friendly actress.

Masamang-masama ang loob at galit na galit ang aktres sa mga nalaman nito kaya nilayuan na niya ang user-friendly actress, na iniiwasan at nawawalan na ng mga kaibigan dahil sa kanyang masamang ugali.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results