Nanay ni Betong Sumaya, nakalaban noon ni Nora Aunor sa amateur singing contests

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2019
Betong Sumaya on his mother: "Nananalo siya sa mga contest. Actually, feeling ko, natalo niya si Miss Nora noong mga bata pa sila."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Minana ni Albert "Betong" Sumaya mula sa kanyang ina na si Virginia Sermonia ang talent niya sa pagkanta.

Tulad ng nanay niya, naranasan ni Betong na dumayo sa iba’t ibang lugar para lumahok sa mga amateur singing contest.

Ikinuwento ni Betong na noong kabataan ng kanyang ina, sumasali ito sa mga singing contest at si Nora Aunor ang isa sa mga nakalaban ng nanay niya.

At that time, hindi pa superstar si Nora dahil hindi pa nag-uumpisa ang kanyang showbiz career.

"Ang nanay ko talaga ang malaking impluwensiya sa akin, maganda ang boses niya.

"Si Nanay, kababata niya si Nora Aunor. Kalaban niya sa mga singing contest, sa Villamor Airbase sa may Nichols.

"Nananalo siya sa mga contest. Actually, feeling ko, natalo niya si Miss Nora noong mga bata pa sila.

"'Tapos yung uncle ko, naging parang boyfriend yata ni Miss Nora Aunor noong bata pa sila, noong high school," ilan sa mga anekdota ni Betong tungkol sa multi-awarded actress.

Continue reading below ↓

Gustung-gusto rin daw makatrabaho ni Betong ang Superstar.

"Hindi pa kami nagkakasama ni Miss Nora Aunor. Actually, gusto ko nga siya na maging guest sa Antonietta," pagtukoy niya sa kanyang character na napapanood sa Bubble Gang.

"Yun ang mga hindi pa namin na-guest—si Miss Nora, si Miss Vilma Santos, si Miss Sharon Cuneta, at kung nabubuhay pa sana, si Sir Eddie Garcia."

Itinanong namin kay Betong ang pangalan ng kanyang tiyo na posibleng natatandaan pa ni Nora.

"Darwin Sermonia," sagot ni Betong.

Baka-sakaling maalaala ng veteran actress kapag narinig nito ang pangalan ng diumano’y ex-boyfriend niya noong hindi pa siya nag-aartista.

At dahil ipinagmamalaki ni Betong na magaling na singer ang kanyang ina, magandang idea na magkaroon sila ng duet number sa Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert, ang first major concert niya sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 21.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya on his mother: "Nananalo siya sa mga contest. Actually, feeling ko, natalo niya si Miss Nora noong mga bata pa sila."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results