Maricel Soriano, ginawang halimbawa si Piolo Pascual sa mga kabataang artista

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2019
Maricel Soriano on Piolo Pascual: "Kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude ni Piolo."
PHOTO/S: Noel Orsal

Special mention ni Maricel Soriano si Piolo Pascual sa grand presscon ng The Heiress na ginanap sa Valencia Events Place nitong Huwebes, November 14, 2019.

Nabanggit ni Maricel ang pangalan ni Piolo dahil napag-usapan sa The Heiress ang mga baguhang artista na nakatrabaho niya.

Para kay Maricel, si Piolo ang magandang ehemplo ng isang mga kabataan na artista at napatunayan niya ito nang gawin nila noong 2001 ang pelikulang Mila.

"Alam mo, ang palaging ginagawa kong ehemplo pagdating sa ganito, si Papa P… si Eric Quizon. Ay, si Eric tuloy…” sabi ni Maricel na mabilis na binawi ang pagkakamali niya sa pagbanggit sa pangalan ni Eric.

"Si Piolo kasi, noong ginawa ko yung Mila, alam mo, napaka-professional and very punctual.

"He’s always in the set na nagbabasa ng script, dala-dala yung unan niya at nagme-memorize ng script at walang kinakausap kundi yung script niya.

"Kaya sabi ko, noong panahon na yun, sinabi ko na 'to, na sana, kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude ni Piolo," pahayag ni Maricel.

Continue reading below ↓

Sina Janella Salvador at McCoy de Leon ang young co-stars ni Maricel sa The Heiress.

Binigyan niya ng mga payo at pointers ang dalawa sa shooting ng horror movie ng Regal Entertainment na may playdate sa cinemas nationwide sa November 27, 2019.

Kapwa grateful at thankful sina Janella at McCoy dahil, para sa kanila, malaking oportunidad na nakatrabaho nila si Maricel sa pelikula.

Sabi ni McCoy, "Suwerte ko kaya nagpapasalamat ako sa Diyos at siyempre sa Regal na na-consider po nila ako kaya ang experience na 'to, hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko."

Ibinahagi rin ni McCoy ang isang hindi niya makalilimutang karanasan.

Lahad niya, "May time na pawis na pawis ako kasi laging naka-jacket yung karakter ko. Pawisan yung likod ko.

"Nagulat ako dahil biglang nandiyan na siya [Maricel] sa likod ko.

"Si Inay Marya, naglagay ng bimpo sa likod ko. Sobrang nagulat ako.

"Parang napakasuwerte ko na artista na naging nanay ko mismo sa set si Inay Marya.

Continue reading below ↓

"Yung bimpo niya, nandiyan sa akin, hindi ko nilalabhan. Nakatabi lang sa akin."

Napangiti naman si Maricel at sinabing "Ang sweet naman."

Sabi naman ni Janella tungkol sa unang pagsasama nila ni Maricel sa isang movie project, "It’s such a pleasure working with her.

“At first, sobrang na-starstruck ako sa kanya and then, sabi niya sa akin, 'Huwag kang ma-starstruck. Kailangan may sarili kang ano!'

"So, naging comfortable na ako sa set with her and she’s really nice."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Maricel Soriano on Piolo Pascual: "Kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude ni Piolo."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results