Gladys Reyes, ipinagtanggol si Juancho Trivino

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2019
Nalulungkot si Gladys Reyes dahil sa unfavorable news na lumalabas tungkol kay Juancho Trivino, na gumaganap bilang anak niya sa Madrasta.
PHOTO/S: Noel Orsal

Si Gladys Reyes ang gumaganap na mabait na ina ni Juancho Trivino sa Madrasta, ang afternoon drama series ng GMA-7, kaya sila ang madalas na magkasama sa mga eksena.

Lately, ang paglalaro ng Mobile Legends sa set, ang pagmumura sa driver ng service van at sa Madrasta director na si Monti Parungao ang ilan sa mga mabibigat na akusasyon laban kay Juancho.

Malaki dapat ang ipagpasalamat ni Juancho kay Gladys dahil ito ang nagbigay ng linaw sa mga isyu.

Sabi ni Gladys sa Cabinet Files, "Marespeto naman si Juancho. Pinupuntahan agad ako niyan sa tent ko kapag may taping kami ng Madrasta.

"Kapag alam niya na nandiyan na ako, pumupunta agad siya sa tent ko, nakikipagkuwentuhan at tawang-tawa sa mga kuwentuhan namin.

"Feeling ko, parang ate talaga ang tingin niya sa akin."

Patuloy niya, "To be fair with Juancho, alam ko yung ibang nangyari.

"Hindi totoo na may sinigawan siyang driver.

Continue reading below ↓

"Yung kay Direk Monti naman, sobrang pressure, pagod, at may rain effect pa, 'tapos feeling niya, paulit-ulit.

Nakiayon si Gladys sa mga opinyon na nakapagmura si Juancho, out of frustration, dahil sa performance nito at hindi dahil nagagalit siya sa direktor ng Madrasta.

"Mabait naman si Juancho, misunderstood lang," pahayag ni Gladys.

Nalulungkot ang beteranang aktres dahil sa unfavorable news na lumalabas tungkol sa aktor na gumaganap bilang anak niya sa Madrasta.

CONFRONTATION SCENE WITH THEA TOLENTINO

Nang mapag-usapan naman ang matinding sampalan at confrontation scene nila ni Thea Tolentino sa Wednesday (november 13) episode ng Madrasta, sinabi ni Gladys na kahit tapos nang kunan ang eksena, iyak pa rin sila nang iyak.

"Gustung-gusto ko ang confrontation scene namin ni Thea na napanood sa Madrasta two days ago.

"Totoong sampal yun! Hindi ako namemeke ng sampal, corny yun.

"Talagang parang sinapian ako ng character ni Elizabeth.

"Kung mapapansin ng mga tao, totoong namula nang husto ang pisngi ni Thea, hanggang leeg.

Continue reading below ↓

"After the scene, umiiyak pa rin kami ni Thea dahil sa sobrang taas ng emosyon.

"Iba pa rin kapag totoong sampal. Kahit yung sinampal, mas totoo ang reaksiyon kesa kung daya lang ang eksena," saad ni Gladys.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nalulungkot si Gladys Reyes dahil sa unfavorable news na lumalabas tungkol kay Juancho Trivino, na gumaganap bilang anak niya sa Madrasta.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results