Ama ng ipinagbubuntis ni Ethel Booba, di pa legally separated

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2019
Ang pagbubuntis ni Ethel Booba sa panganay nila ng chef boyfriend niyang si Jessie Baltazar ang dahilan kaya unti-unti nang nagbabago ang kanyang physical appearance.
PHOTO/S: Ethel Booba Instagram

Inamin ni Ethel Booba sa guesting niya sa Friday edition (November 15) ng It’s Showtime na anim na buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis niya.

Pero dahil comedienne, hindi agad naniwala ang publiko na nag-akalang nagbibiro lamang siya.

Nang umiyak si Ethel at kumpirmahin ni Vice Ganda ang kanyang kalagayan, 'tsaka lamang naniwala ang lahat na buntis ang grand winner ng 1st Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions.

Continue reading below ↓

Ang pagbubuntis ng 42-year-old comedienne sa panganay nila ng chef boyfriend niya na si Jessie Baltazar ang dahilan kaya unti-unti nang nagbabago ang kanyang physical appearance.

Ipinakilala ni Ethel sa publiko ang boyfriend niya sa kanyang guesting sa Gandang Gabi Vice noong March 2018.

Emosyonal na ipinagtapat ni Ethel na si Jessie na sana ang sagot sa mga dasal niya.

“Meron akong ipinagdarasal na sana tayo na.

"Natutuwa ako kasi kagabi may tumawag na friend... kasi ayokong tawagin na kabit...

"Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng boyfriend na may asawa.

"Nagkataon lang kasi binu-bully ako ng ibang friend ko na 'kabit ka,' kasi nga hindi ko alam eh..." lumuluhang rebelasyon ni Ethel tungkol sa boyfriend niyang kasal sa ibang babae pero sampung taon nang hiwalay at hindi pa legally separated.

Sinabi naman ni Jessie na kumukonsulta na siya sa abogado.

Si Ethel ang pangalawa sa mga showbiz personality na nagsalita sa It’s Showtime tungkol sa kanilang pagbubuntis.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang Lunes, November 11, ang It’s Showtime host na si Anne Curtis ang umamin na limang buwan na buntis at nakatakdang magsilang sa March 2020.

Mauuna si Ethel na manganak kesa kay Anne dahil sa February 2020 ang due date niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pagbubuntis ni Ethel Booba sa panganay nila ng chef boyfriend niyang si Jessie Baltazar ang dahilan kaya unti-unti nang nagbabago ang kanyang physical appearance.
PHOTO/S: Ethel Booba Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results