Mga tunay na Adan, mahihiya sa erotic love scenes nina Cindy Miranda at Rhen Escaño

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2019
Ayon sa direktor ng Adan na si Roman Perez Jr. (gitna), natakot siya nang kunan niya ang mga love scene nina Cindy Miranda (kaliwa) at Rhen Escaño (kanan) dahil bigay na bigay ang dalawa.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Kung malakas ang shock value ng blockbuster movie na #Jowable, di hamak na mas matindi at totoo ang mga eksena sa Adan.

Ang Adan ang launching movie nina Cindy Miranda at Rhen Escaño na may playdate sa cinemas nationwide sa November 20, 2019.

Sa #Jowable, nagtanong ang karakter ni Kim Molina sa isang madre na ginampanan ni Candy Pangilinan kung nagpi-f…r ito.

Pero sa Adan, talagang ginawa ito nina Cindy at Rhen habang nakasakay sila sa umaandar na tricycle.

Mahihiya ang mga tunay na lalaki sa mga super erotic love scene nina Cindy at Rhen.

Paano nakapasa sa MTRCB at bakit pumayag ang management ng SM Cinema na ipalabas sa mga sinehan nila ang highly provocative love scenes nina Cindy at Rhen ang tanong ng karamihan ng mga dumalo sa press preview ng pelikula na naganap sa Platinum Cinema ng Gateway Mall sa Araneta City, Cubao, kahapon, November 16.

Imposibleng hindi magulat ang mga nagpaplanong panoorin ang Adan sa mga eksenang literal na hinihimas ni Cindy ang nipple ni Rhen, ang kanilang mga nude scene, scisorring scene, ang torrid kissing scene na dila sa dila ang labanan nila, at ang violent and bloody ending ng pelikula.

Continue reading below ↓

Hindi rin kinatay ng MTRCB ang linyang ito ni Cindy para sa karakter ni Ruby Ruiz: "Sa tuwing tinitira mo siya, nasusuka siya dahil sa pekpek mo na amoy patay na daga." Mabentang-mabenta ito sa entertainment press.

Kapwa dumalo sina Cindy at Rhen sa naganap na press preview, pero lumabas ng sinehan ang huli ilang minuto matapos umpisahan ang screening ng Adan.

Sinabi ni Rhen na kinakabahan siya at panonoorin na lamang niya ang Adan sa red-carpet premiere na magaganap bukas, November 18, sa Cinema 1 ng SM Megamall.

Hindi naman maipaliwanag ni Cindy ang nararamdaman dahil nagulat din siya sa kanyang mga ginawa nang mapanood niya ang Adan.

Gaya ni Rhen, mapangahas si Cindy na maraming beses na ibinuyangyang ang kanyang dibdib.

Natawa si Cindy sa reaksiyon na magaling siya sa “pumping at scissoring scenes” nila ni Rhen.

Dapat maging handa ang mga nagbabalak manood ng Adan dahil tiyak na magugulat din sila sa mga matitinding eksena na ginawa nina Cindy at Rhen na tila hudyat ng muling pagbabalik ng mga sexy movie.

Continue reading below ↓

Ayon kay Roman Perez Jr., ang direktor ng Adan, natakot siya nang kunan niya ang mga love scene nina Cindy at Rhen dahil bigay na bigay ang dalawa.

Inamin ni Roman na “tinelagan” o na-arouse siya sa shooting ng isa sa mga pinakamapangahas na pelikula sa Philippine cinema dahil sa mga pinaggagawa nina Cindy at Rhen.

Ang direktor na si Yam Laranas ang sumulat ng kuwento ng Adan na co-production venture ng kanyang film production, ang Aliud Entertainment, at ng Viva Films.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa direktor ng Adan na si Roman Perez Jr. (gitna), natakot siya nang kunan niya ang mga love scene nina Cindy Miranda (kaliwa) at Rhen Escaño (kanan) dahil bigay na bigay ang dalawa.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results