Aktres na may attitude problem, lalong naging maldita nang magbida sa TV series

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Sayang ang big break na ipinagkatiwala sa isang aktres na dati nang may attitude problem pero lalong lumala nang magbida siya sa isang TV series.

Minsan nang tinarayan ang aktres ng mas sikat na showbiz personality dahil nahuli nitong iniirapan niya ang co-star nila sa isang teleserye.

Nag-apologize ang aktres pero ramdam ng showbiz personality na napilitan lamang siya at hindi sincere ang paghingi niya ng paumanhin.

Ngayong bida na siya sa isang TV show, it’s payback time para sa aktres na pinanindigan ang kaartehan.

Sa isang eksena na sasampalin siya, hindi pumayag ang aktres na magpasampal kaya ang double niya ang nakatikim ng sampal.

May ugali rin ang aktres na biglang nagkakasakit kaya parusa ito sa production staff na alam na umaarte lamang siya.

Walang cut-off time ang lahat ng mga artista na sangkot sa TV series, pero isang araw, naisip ng aktres na sabihin sa production crew na may cut-off time siya.

Continue reading below ↓

Sa gigil ng isang tauhan ng production, tinalakan nito ang feeling sikat na aktres.

"Sino ang may sabi sa 'yo na may cut off? Sino ka? Sino ka?” talak sa natigagal na aktres ng production staffer na hindi na nakapagpigil dahil naubos na ang pasensiya sa prima-donna attitude niya sa set.

Malakas ang loob ng aktres na magmaldita, pero nagpapaawa kapag kinokompronta na siya ng mga taong biktima ng pagiging abusada niya.

Sinabi ng isang saksi na ang pag-iyak ang depensa ng aktres kapag pinupuna ang mga kamalditahan nito dahil yun ang depensa niya para magmukhang kawawa.

Pero hindi na siya sineseryoso ng co-workers niya na alam ang kanyang tunay na ugali.

Kung hindi magtitino ang aktres, tiyak na magiging pansamantala lamang ang popularidad at magagandang project na tinatamasa niya sa kasalukuyan dahil inaayawan na siya ng kanyang mga nakakatrabaho.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results