Cindy Miranda, hindi nakilala ang sarili sa matinding love scenes niya sa Adan

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2019
Cindy Miranda on her daring scenes in Adan: "Ready ako at ready ako sa kahit anong sasabihin ng tao. Ginawa ko lang kung ano yung karakter ni Marian at bahala na sila kung anuman yung opinyon nila. "Pero yung ginawa ko, masaya ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

Bakas sa mukha ni Cindy Miranda ang pagkabahala nang matapos ang special screening ng Adan sa Platinum Cinema noong Sabado, November 16, dahil sa mga eksenang ginawa at napanood niya.

Sinabi ni Cindy na napahawak siya sa upuan habang pinapanood ang love scenes nila ni Rhen Escaño.

Dumalo rin si Rhen sa special preview, pero lumabas mula sa sinehan dahil hindi pa siya handang mapanood ang maituturing na pinakamapangahas na pelikula ng taon.

"Ano, e, nakakapit lang ako sa upuan ko. Grabe!" ang tila apektadong reaksiyon ni Cindy.

"Hindi ko po talaga alam kung ano ang gusto kong sabihin ngayon kasi medyo hindi ko nakilala yung sarili ko.

"Kanina, gusto kong tanungin, 'Ako ba talaga ‘yan? Ginawa ko ba ‘yan talaga?'

"Pero natutuwa ako na sa lahat ng hirap na dinaanan namin, location wise, sa lahat, sa eksena, yung iba nga, tinotoo na namin.

"So, natutuwa po ako na nakita ko yung resulta ng ginawa namin kasi pinaghirapan namin talaga para maibigay ang kuwento—buong-buo, walang labis, walang kulang.

Continue reading below ↓

"First time ko po talaga na nakahalik ng babae. Wala naman po diperensya siguro nga dahil in character kami," dagdag na pahayag ni Cindy.

Napahalakhak si Cindy sa opinyon na magaling siyang "mag-pump" sa love scene nila ni Rhen.

Muling nabahiran ng pag-aalala ang mukha ni Cindy sa opinyong baka kumalat sa social media ang litrato ng nude scenes niya sa Adan.

Napabuntong-hininga muna si Cindy nang malalim at sinabing, "I think wala naman akong gustong bastusin na tao.

"Sabihin natin, oo, part ito ng movie, pero lahat pinaghandaan.

"Ready ako at ready ako sa kahit anong sasabihin ng tao.

"Ginawa ko lang kung ano yung karakter ni Marian at bahala na sila kung anuman yung opinyon nila.

"Pero yung ginawa ko, masaya ako," ani Cindy.

Kahit shocking ang mga ginawa niya sa Adan, inimbitahan ni Cindy ang kanyang mga kamag-anak na dumalo sa premiere ng pelikula na magaganap ngayong gabi, November 18, sa SM Megamall Cinema.

Continue reading below ↓

"Mga thirty na family members ko ang manonood, all the way from Nueva Ecija. Kung puwede ko nga lang dalhin ang buong Nueva Ecija.

"Kahit ako sa sarili ko kanina, napapakapit ako sa upuan ko, pero sabi ko nga, lahat pinaghirapan ko.

"Alam ko na magiging masaya sila," lahad ni Cindy.

Aminado si Cindy na napaigtad siya mula sa upuan nang bumulaga sa big screen ang kanyang hubad na katawan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cindy Miranda on her daring scenes in Adan: "Ready ako at ready ako sa kahit anong sasabihin ng tao. Ginawa ko lang kung ano yung karakter ni Marian at bahala na sila kung anuman yung opinyon nila. "Pero yung ginawa ko, masaya ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results