James Reid, nagdadalawang-isip ituloy ang TV series nila ni Nancy McDonie

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2019
Hindi pa nagsasalita si James Reid at hindi pa rin naglalabas ng official statement ang Dreamscape Entertainment, pero usap-usapang nagdadalawang-isip daw ang aktor tungkol sa TV series na pagtatambalan nila ni Nancy McDonie ng Momoland.
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment

Kinumpirma ng Cabinet Files source na may tampo kay James Reid ang mga makakatrabaho nito sa Soulmate dahil nagdadalawang-isip ang aktor na ituloy ang TV series na pagbibidahan nila ni Nancy McDonie, isa sa mga popular members ng South Korean girl group na Momoland.

Hindi pa nagsasalita si James at hindi pa rin naglalabas ng official statement ang Dreamscape Entertainment tungkol sa isyu, pero pinag-uusapan na ito ng mga nakakaalam sa kuwento.

Ang Dreamscape Entertainment ang producer ng Soulmate.

Noong nakaraang buwan, ang pagtatambal nina James at Nancy ang big announcement nila na ikinatuwa ng fans ng Momoland.

Ilang araw makalipas ang announcement tungkol sa James-Nancy partnership, naglabas noong October 9, 2019 ng intriguing cryptic statement sa Facebook ang ama ni Nadine Lustre na si Ulysses Lustre.

Mensahe ng ama ni Nadine: "I'm Flop and you're High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you're desperate to break US apart. I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around."

Continue reading below ↓

Lumitaw ang katotohanang para sa ABS-CBN ang controversial post ni Ulysses dahil nakisimpatiya siya kay Nadine, na tutol na magkasama sa isang project ang kanyang live-in partner at si Nancy.

Sa guesting ni Nadine sa Tonight with Boy Abunda noong nakaraang buwan, humingi siya ng paumanhin sa mga na-offend sa ginawa ng kanyang ama.

Inamin din ni Nadine na hindi tama ang naging aksiyon ng tatay niya.

Pahayag niya, "I'm not my dad so we don't have the same brain, we don't think alike.

"Kung sino man iyong na-offend niya or nasaktan niya by what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin.

"But I talked to him about it, and I told him that it wasn't right."

Isang insider ang nagsabing umiral lamang ang pagiging protective father ni Ulysses dahil nakita nitong nasaktan si Nadine sa planong pagtatambal nina James at Nancy sa isang project na puwedeng makaapekto sa real-life love team ng JaDine.

Continue reading below ↓

Reportedly, malaki rin ang tampo kay Nadine ng mga taong involved sa production dahil alam nilang may kinalaman ang aktres kaya nag-aalangan si James na gawin ang Soulmate.

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang sagot ng Dreamscape Entertainment staff tungkol sa isyu, pero at press time, hindi pa sila nagpapadala ng opisyal na pahayag.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa nagsasalita si James Reid at hindi pa rin naglalabas ng official statement ang Dreamscape Entertainment, pero usap-usapang nagdadalawang-isip daw ang aktor tungkol sa TV series na pagtatambalan nila ni Nancy McDonie ng Momoland.
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results