JBK, binalikan ang pagkaka-eliminate nila sa The X Factor UK

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2019
JBK is composed of (from left) Joshua Bulot, Bryan del Rosario, and Kevin Ordonio
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonio ang tatlong miyembro ng JBK na nangakong hindi mabubuwag ang kanilang trio tulad ng nangyari sa ibang mga singing group.

"Ang mapa-promise po namin, sisikat kami. Yun po ang target namin.

"Hindi namin pinag-uusapan ang disbandment," confident na sabi ni Joshua tungkol sa kanilang six-year-old group na nakilala nang maging finalist sila sa The X Factor UK noong October 2017.

Lalong naging popular ang JBK nang mag-walk out ang X Factor judge na si Nicole Scherzinger dahil ibang grupo ang pinili ng kanyang fellow judge na si Simon Cowell.

Hindi ipinakita sa TV broadcast ng The X Factor UK ang buong eksena kaya ikinuwento na lang ng JBK ang mga naganap sa backstage.

Lahad nila, "Umiyak kami pero hindi ipinakita.

"Ang daming nangyari noon, like, yung kanta namin, pangatlong kanta na yun. Nagkaubusan na ng kanta.

"At ibinigay na namin lahat, pero sabi nila... overwhelmed kami dahil first time namin

Continue reading below ↓

"Hindi namin in-expect yung pressure. Halo-halo na, umiyak kami sa backstage. Hindi na ipinakita [sa show]."

Gustong patunayan ng JBK na higit pa sa pagsali sa The X Factor UK ang mararating nila.

Ang "Anestisya," na composition ng entertainment editor na si Jojo Panaligan, ang bagong single na ipino-promote ng JBK.

Luckily, nominated ang JBK sa Most Favorite Pop Boy Group of the Year ng Ppop Awards 2019 para sa "Anestisya."

Kontrobersiyal ang "Anestisya" dahil sa lyrics na "Isang tagay na lamang, isang lagok, malulunod din ‘yan," kaya tumanggi ang isang radio station na patugtugin.

Kinumpirma ng JBK na totoo ang isyu, pero may rason dahil pag-aari ng isang simbahan ang radio station na nagbabawal sa kanilang mga miyembro na manigarilyo at uminom ng alak.

Member si Kim ng tinutukoy na simbahan at, ayon sa kanya, pinayagan siyang i-record ang "Anestisya" dahil grupo naman sila.

Paliwanag ni Kim, "Actually, wala naman po problema dahil kinanta namin ang 'Anestisya' as a group.

Continue reading below ↓

"Trio naman kami and gumawa rin naman sila ng way para ma-support yung group namin.

"Gumawa sila ng interview lang about the song at inilabas nila sa kanilang news program."

Nilinaw rin ni Kim na sa mga kanta ng JBK, tanging ang "Anestisya" ang ipinagbawal na patugtugin sa church-owned radio station.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JBK is composed of (from left) Joshua Bulot, Bryan del Rosario, and Kevin Ordonio
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results