Arnell Ignacio, inaming hindi prosthetics ang pagiging kalbo niya sa Damaso

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2019
Arnell Ignacio, siniguro na all-out ang ginawa niyang research at paghahanda para sa title role niyang Damaso (right).

Ginulat ni Arnell Ignacio ang direktor, production staff, at co-stars niya sa Damaso dahil sa kanyang desisyong huwag gumamit ng hairpiece.

"Unfiltered" Arnell ang mapapanood sa Damaso dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita niya sa pelikula ang kanyang tunay na hitsura kapag walang suot na hairpiece.

Hindi malinaw kung ang karaniwang isinusuot ni Arnell ay wig na mas madaling tanggalin o iyong tipong long-wearing hairpiece na hindi basta-batas natatanggal.

"Na-shocked sila nang sabihin ko na aalisin ko ang hairpiece ko," bungad ni Arnell.

Isa lang ang paboritong ginagamit na hairpiece ni Arnell, kahit siya ang may-ari ng Creative Hair Systems, ang hair care company na gumagawa ng iba’t ibang klase ng hairpiece para sa mga taong may problema sa kanilang mga buhok.

"Isa lang ang ginagamit ko na hairpiece na gawa namin sa Creative Hair Systems.

"Ang dami nga ang nag-aakala na prosthetics ang pagiging kalbo ko sa Damaso.

"Mas mukhang natural kasi yung hairpiece!" natatawang pag-amin ni Arnell.

Continue reading below ↓

Maliban sa pagpapakatotoo niya sa lagay ng kanyang buhok, memorable para sa aktor ang Damaso dahil siya ang title role.

"Ang tagal ko nang hindi umaarte. Madalas nakakalimutan ko na artista pa rin ako dahil sa pagtatrabaho ko sa gobyerno.

"Ang kinakabahan ako, baka flop ang acting ko, dautin niyo ako," kuwelang sabi ni Arnell.

Tulad ng isang diligent student, pinag-aralan daw nang mabuti ni Arnell ang karakter ni Padre Damaso na ipinagkatiwala sa kanya ng direktor na si Joven Tan.

Nagkaroon siya ng sariling research para mapaghandaan niya ang kanyang karakter sa pelikulang magbubukas ngayong araw, November 20, sa mga sinehan.

"Pumunta pa ako sa mga Franciscan," tukoy niya sa Franciscans Provincial House, ang tinutuluyan ng isang order ng Catholic priests sa San Juan del Monte.

"Marami silang correction sa kadalasan na portrayal sa mga pari na nakasuot ng abito nila."

Kuwento pa ni Arnell, "Mas nag-research ako tungkol sa pagkatao ni Damaso.

Continue reading below ↓

"Complex ang conflict ng karakter ni Damaso dahil kasabay ng kanyang kawalanghiyaan ang kabutihan naman niya bilang ama ni Maria Clara."

Hindi lamang ang importanteng role sa Damaso ang pinahahalagahan ni Arnell dahil gustung-gusto rin niya ang kanyang mga kanta sa pelikula na nilikha ni Joven na isang award-winning songwriting at composer.

Sa mga hindi nakakaalam, si Joven ang grand champion sa Himig Handog P-Pop Love Song noong 2013 para sa "Anong Nangyari sa Ating Dalawa?," ang madamdaming kanta na inawit ni Ice Seguerra.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio, siniguro na all-out ang ginawa niyang research at paghahanda para sa title role niyang Damaso (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results