Sarah Lahbati, hindi magpapabuntis muli bago ang kasal nila ni Richard Gutierrez

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2019
Sarah Lahbati, nagkuwento kung paano pumili ng wedding gown sa kasal nila ni Richard Gutierrez sa March 2020.
PHOTO/S: @sarahlahbati Instagram

Kararating lang ni Sarah Lahbati mula sa Europe nang makausap siya ng Cabinet Files sa grand opening ng Family Mart sa Bonifacio Global City, Taguig City, kahapon, November 19.

Sampung araw na nawala si Sarah sa Pilipinas dahil kinuha niya sa Europe ang wedding gown na kanyang gagamitin sa pag-iisang dibdib nila ni Richard Gutierrez sa March 2020.

"Sobrang hirap nung araw na umalis ako kasi inihatid nila akong lahat," tukoy niya sa fiancé na si Richard at dalawa nilang anak.

"Parang naiiyak ako sa airport kasi ang tagal ko nga na mawawala, pero every day, Facetime, every day chat.

"So gumigising ako 4 A.M., 5 A.M., parang hapon pa lang iyon dito sa Pilipinas."

Bilang bride-to-be, nagkaroon daw siya realization kung gaano ka-challenging ang wedding preparations.

"Hindi ko inakala na mabusisi sa detalye. Akala ko, simple lang or io-organize lang, and then tapos na.

"Pero ang dami pala na maliliit na detalye na kailangan tapusin."

Continue reading below ↓

Old Hollywood romance ang concept ng dream wedding ni Sarah.

Hindi muna ito nagdetalye tungkol sa design ng kanyang wedding gown, pero ikinuwento niya kung paano niya ito napili.

"It’s my dream wedding dress ever.

"Marami akong nagustuhan na designs, pero noong bata pa lang ako, itong pinili ko, yun talaga ang gusto ko.

"As you grow older, nag-iiba yung taste mo. Nung dumating ako sa ganoon, yung vision ko, medyo modern and fun.

"Pero naiba siya nung makita ko yung dress which is really my dream wedding dress ever since the beginning," pahayag ni Sarah.

Tungkol naman sa wedding entourage, sinabi ni Sarah na kasama nila ni Richard ang kanilang pamilya sa pagpili sa principal at secondary sponsors.

Tiniyak din niyang may special participation ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai.

Maipapangako ba niyang hindi siya iiyak habang naglalakad sa aisle sa araw ng kasal nila ni Richard?

Continue reading below ↓

"Ay, hindi ko alam!" natatawang sagot ni Sarah.

"I’ll try not to cry so much, but siyempre kapag nandoon ka na…"

Muling natawa si Sarah sa komento na hinding-hindi siya puwedeng magbuntis muli hangga’t hindi nangyayari ang importanteng okasyon sa buhay nila ni Richard.

"Siyempre hindi! Hahaha! Wedding muna. Wedding and work and the kids!"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Lahbati, nagkuwento kung paano pumili ng wedding gown sa kasal nila ni Richard Gutierrez sa March 2020.
PHOTO/S: @sarahlahbati Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results