Ai-Ai delas Alas, nakasakay na sa pinipilotong eroplano ni Gerald Sibayan

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2019
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "Very proud ako para kay Gerald dahil natupad ang pangarap niyang maging piloto at natuto siyang magpalipad ng eroplano sa sandaling panahon."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi nangyari ang binitiwang salita noon ni Ai-Ai de las Alas na sasakay lamang siya sa eroplano na paliliparin ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan kapag piloto na ito ng isang commercial flight.

May pinanggagalingan ang nararamdamang kaba ni Ai-Ai dahil bukod sa baguhan na piloto si Gerald, may acrophobia siya o fear of heights.

Pero noong nakaraang Huwebes, November 14, bumiyahe si A-iAi sa Subic, Olongapo para harapin ang kanyang mga kinatatakutan—ang pagsakay sa eroplano na paliliparin ni Gerald.

Ikinuwento ni Ai-Ai na kinakabahan siya, panay ang dasal, at pahid ng Tiger Balm bago siya sumakay sa eroplano.

Pero nabawasan ang lahat ng kanyang mga agam-agam nang makita niyang relaxed na relaxed si Gerald.

Kuwento niya, "Almost thirty minutes kami na lumipad.

"Habang nasa ere kami, tinitingnan ko si Gerald at sumisilip rin ako sa bintana ng eroplano para makita ko ang mga nangyayari sa labas.

"Very proud ako para kay Gerald dahil natupad ang pangarap niyang maging piloto at natuto siyang magpalipad ng eroplano sa sandaling panahon.

Continue reading below ↓

"May kinalaman ang pagpapapayat ni Gerald sa pagpapalipad ng eroplano dahil gusto niyang maging physically fit siya," lahad ni Ai-Ai.

Ibinahagi ni Ai-Ai sa Cabinet Files ang video for posterity ng unang pagsakay niya sa eroplanong pinalipad ni Gerald.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on husband Gerald Sibayan: "Very proud ako para kay Gerald dahil natupad ang pangarap niyang maging piloto at natuto siyang magpalipad ng eroplano sa sandaling panahon."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results