Sunday Pinasaya magpapaalam na sa ere bago mag-Pasko

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2019
Sa December 22, 2019 nakatakdang ipalabas ang huling episode ng Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
PHOTO/S: Sunday PinaSaya Facebook

Some good things never last.

Makalipas ang apat na taon na pamamayagpag sa telebisyon tuwing Linggo, magpapaalam na ang Sunday PinaSaya.

Mapapanood ang farewell episode nito sa December 22, 2019.

Ang APT Entertainment ang producer ng Sunday PinaSaya, na nag-umpisa noong August 9, 2015.

Ipinalit ito sa Sunday All Stars, ang station-produced Sunday musical-variety show na nagwakas noong August 2, 2015.

Nalulungkot ang mainstays at production staff ng Sunday PinaSaya dahil sa nalalapit na pagwawakas ng kanilang weekly show.

Nakadagdag sa kalungkutan nilang magpapaalam sila sa kanilang loyal audience tatlong araw bago ang Pasko.

Normal ang nararamdamang lungkot at separation anxiety ng lahat ng mga bumubuo sa programa, pero malaking consolation para sa kanila na hindi kagaya ng ibang mga TV show na pinatay dahil sa poor ratings, magpapaalam ang Sunday PinaSaya na mataas ang rating at maraming commercials.

Tiyak na isang station-produced program ang ipapalit sa Sunday PinaSaya na mapapanood sa unang Linggo ng January 2020.

Continue reading below ↓

Ito ang inaabangan ng mga naghihintay ng balita tungkol sa bagong Sunday musical-variety program ng GMA-7.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa December 22, 2019 nakatakdang ipalabas ang huling episode ng Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
PHOTO/S: Sunday PinaSaya Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results