Aktres, di umubra ang star power nang magtangkang bumili ng heavily-regulated drug

by Jojo Gabinete
Nov 21, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi tumalab ang star power ng aktres na nagtangkang bumili ng heavily-regulated drug sa isang branch ng sikat na drugstore.

Nang sabihin ng aktres sa drugstore salesclerk na bibili siya ng gamot na kailangan niya, hiningan siya ng medical prescription dahil nasa kategorya ng regulated drugs ang kanyang bibilhin.

Bumalik ang aktres sa sasakyan nito para kunin ang reseta.

Pero hindi ito tinanggap ng salesclerk dahil ang yellow prescription ang hinanap sa kanya.

Ipinaliwanag ng salesclerk sa aktres na yellow prescription o Special Prescription Form for Dangerous Drugs ang kailangan dahil isa ito sa mga requirement ng Department of Health (DoH) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bukod sa yellow prescription, hinihingi rin nila sa mga kostumer ang pangalan, complete home address, at contact number.

Nang marinig ng aktres ang mga sinabi ng salesclerk, hinablot niya ang ordinary prescription at dali-daling umalis sa drugstore.

Matagal nang balitang hooked ang aktres sa mga pain reliever medicine at pumupunta pa siya sa malalayong lugar para bilhin ang gamot na kailangan niya sa mga drugstore na hindi mahigpit sa pagbebenta ng heavily-hegulated drugs.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa website ng PDEA ang mga kailangan para makabili ng regulated drugs ang mga pasyente:

"For every transfer of dangerous drugs, a local purchase order permit duly approved by the Compliance Service, PDEA is required.

"A Special DOH Prescription (yellow prescription) issued by a current PDEA Licensed practitioner is required for a patient to purchase a dangerous drug’s preparation."

Malaya ang aktres at ang ibang mga tao na lulong sa paggamit ng heavily-regulated painkillers at drugs na bisitahin ang website ng PDEA para malaman nila ang mga batas na mahigpit na ipinatutupad ng naturang agency na patuloy ang giyera laban sa drug addiction.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results