Jay Manalo, umaming nagkaroon na ng gay experience

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2019
"Wow, seryoso ka? Hindi nga!" patanong na sagot ni Jay Manalo sa tanong kung puwedeng magkuwento siya tungkol sa kanyang gay experience.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Lovers ang mga karakter na ginagampanan nina Jay Manalo at Raymond Bagatsing sa Love is Love, ang maiden movie offering ng RKB Productions.

"Secret" ang sagot ni Raymond nang tanungin kung may kissing scene sila ni Jay sa pelikula nilang ipalalabas sa mga sinehan simula sa December 4.

"Secret" din ang sagot ni Jay.

Naniniwala si Jay na walang kaibahan ang kissing scene ng dalawang lalaki sa halikan ng babae at lalaki kung ang propesyon niya bilang aktor ang pag-uusapan.

Alam ni Jay ang kanyang sinasabi dahil maraming beses na siyang nagkaroon ng kissing scene sa kapwa lalaki sa mga pelikula, tulad nang ginawa nila ni Dennis Trillo sa Aishite Imasu 1941: Mahal Kita, ang 2004 Metro Manila Film Festival movie ng Regal Films.

"Oo naman... oo naman..." malumanay na sagot ni Jay nang usisain kung nagkaroon na siya ng gay experience.

Pero biglang nagbago ang tono ng kanyang boses nang hilingin ng nagtanong kung puwedeng magkuwento siya.

Continue reading below ↓

"Wow, seryoso ka? Hindi nga!" patanong na sagot ni Jay sa daring question na narinig niya.

"Mamaya, kuwentuhan tayo. Nagyoyosi ka ba?" natatawang reaksiyon ni Jay sa follow-up questions na indecent proposal lang ba, naging sila talaga, at hanggang saan lang ang sinasabi niyang gay experience.

Nagpakatotoo naman si Jay nang sabihin nito sa isang online interview na mas pipiliin niya ang mga bakla kesa sa mga matrona dahil mas malawak ang pang-unawa ng mga gay.

Inulit ni Jay ang kanyang statement sa presscon ng Love is Love.

"Sa matrona kasi, minsan pag babae ang kausap mo, mas wild mag-isip, e. Kumbaga sa ano, yung selos.

"Hindi katulad sa bading, nakakapag-isip pa... malawak ang pang-unawa.

"Saka, wala naman akong kaibigan na matrona, mostly mga bading din kaya sila ang pinili ko."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wow, seryoso ka? Hindi nga!" patanong na sagot ni Jay Manalo sa tanong kung puwedeng magkuwento siya tungkol sa kanyang gay experience.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results