Arnold Clavio, hindi interesado magkaroon ng sumbong show tulad ng kay Raffy Tulfo

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2019
Arnold Clavio, ipinaliwanag ang pagkakaiba ng style nila ni Raffy Tulfo bilang broadcast journalists.
PHOTO/S: Noel Orsal

Matagal nang may mga suggestion na bigyan si Arnold Clavio ng show na katulad ng public-service program ni Raffy Tulfo dahil bukod sa kanyang kakayahan, madaragdagan pa ang mga taong matutulungan niya.

Pero nagpakatotoo si Arnold nang tumanggi ito sa idea na bigyan siya ng programang kagaya ng controversial radio-TV public service show ni Raffy.

"Ay, hindi, e!” walang alinlangang sagot ni Arnold.

Nakausap ng Cabinet Files ang Kapuso news anchor sa 20th anniversary presscon ng Unang Hirit na naganap ngayong umaga, November 26, sa 17th floor ng GMA Network, Inc.

"May kanya-kanya tayong lakas. Ang sa akin, more on sa news ako.

"Meron naman iba na puwedeng mag-handle doon kasi sa dami ko nang show, ang lumalapit sa akin more on sa mga sakit, mga mahihirap na kalusugan, yun ang lakas ko."

Paliwanag pa ni Arnold sa pagkakaiba nila ni Raffy, "Infotainment ako, e. Yung sa kanya, parang masyadong seryoso.

Continue reading below ↓

"Wala naman akong background sa law, mahirap kong balansehin yung mga sumbong.

"Ngayon, maingat ka baka maunahan ng sumbong, kawawa naman.

"Baka gusto lang manira so ibigay na natin sa iba yung ganoong format.

"Ako naman, e, okey na ako sa format ng Alisto saka yung Tonight with Arnold Clavio, masayang kuwentuhan yun at alam ko rin yung limitasyon ko, doon muna ako."

Dahil sa kanyang integridad at kredibilidad, pinaniniwalaan ang lahat ng mga blind item niya sa radio program nila nina Mike Enriquez at Ali Sotto.

"Ito nga yung sinasabi ko, yung 'Sino?' hindi siya tsismis.

"Yung 'Sino?' totoo, kaya gusto kong mag-engage ang lahat na malaman kasi yung 'Sino?' ko sa DZBB, marami na rin inalis si Digong na sinino ko.

"Yung mga source naman natin, yung maliliit na tao rin, mga talagang nagtitiwala, walang mapagsumbungan, e.

"Yung mga matagal na sa gobyerno kasi makukumpara nila."

Sabi pa ni Arnold, sinisiguro ng kanyang mga kasama sa news production na totoo ang blind items na inilalabas nila sa show.

Continue reading below ↓

"Actually, kapag nagsumbong naman, meron din naman akong team na nagbe-beripika. Mahirap din yung masunog, kaya tinitingnan ko talaga kung totoo ba.

"Baka yung iba, pinainan ka lang, mahirap yun.

"At sa tagal ng 'Sino?,' parang isa lang... ayoko naman dagdagan.

"Isa lang yung nag-libel at magandang paraan yun para imbes na magkomentaryo ka na ginagawa na ng lahat, kapag nakinig ka sa 'Sino?,' may kurot.

"Kaya lang, sabi ko nga, infotainment ako.

"Gusto ko, masaya na ibalita para lahat, umagang-umaga 'yan, e, magandang simulan ang kanilang umaga na masaya pero mag-iisip, di ba?"

Kapupulutan ng aral ang mga sinabi ni Arnold, lalo na ang kanyang paniniwalang hindi ang mga miyembro ng media ang solusyon sa mga problema ng mga tao.

Paalala raw niya palagi sa kanyang sarili, "Hindi ako ang solusyon ng problema. Ako lang yung tagapagbalita at tagapagbahagi.

"At gusto kong hayaan ang mga Pilipino na sila ang mag-solve ng problema.

Continue reading below ↓

"Hindi puwedeng palaging ikaw porke’t nasa media ka, ikaw ang mag-iisip.

"Mahirap, kailangan sama-sama tayong magtulungan,” makahulugang pahayag ni Arnold.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnold Clavio, ipinaliwanag ang pagkakaiba ng style nila ni Raffy Tulfo bilang broadcast journalists.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results