Maricel Soriano, pinalakpakan dahil sa isang dialogue niya sa The Heiress

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2019
Muling pinatunayan ni Maricel Soriano na siya lamang ang nag-iisang Diamond Star ng Philippine Cinema sa mga eksena niya sa The Heiress.
PHOTO/S: Noel Orsal

Muling pinatunayan ni Maricel Soriano na siya lamang ang nag-iisang Diamond Star ng Philippine Cinema sa mga eksena niya sa The Heiress, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. na magbubukas sa cinemas nationwide ngayong araw, November 27.

Ginanap ang premiere ng The Heiress kagabi, November 26, sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Pinalakpakan ng audience ang isang eksena ni Maricel dahil sa kanyang napakagaling na pagganap.

Kung tutuusin, simpleng-simple lang ang dialogue ni Maricel na "Ako lang" sa eksenang nag-uusap sila ni Sunshine Cruz, na gumanap na pinsan niya.

Pero dahil sa kanyang powerful delivery, nagpalakpakan ang manonood na namangha nang husto.

Ipinakita ni Maricel ang dalawang klase ng emosyon sa pagbibitaw ng salitang “Ako,” na ordinaryong-ordinaryo sa pandinig at paningin pero buong husay niyang nagampanan.

May naramdaman kaming panghihinayang habang pinapanood ang The Heiress dahil ito ang horror movie na tiyak na papatok sa Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

Unluckily, hindi pinalad ang pelikula ng Regal na maging isa sa mga official entry sa 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2019.

Nonetheless, mabibigyan ng pagkakataon ang moviegoers na mapanood nang mas maaga ang The Heiress dahil ngayon ang opening day nito sa mga sinehan.

Sina Sunshine, Janella Salvador, at McCoy de Leon ang co-stars ni Maricel sa pelikula na mula sa direksiyon ni Frasco Mortiz.

Nagtagumpay si Frasco sa intensiyon nitong takutin ang manonood dahil sa mga eksenang nakakagulat.

Tungkol sa isang mambabarang na matindi kung magmahal kaya ayaw niyang nawawala sa kanya ang mga taong minamahal ang kuwento ng The Heiress.

Halos hindi nagkakalayo ang ugali ng mga karakter na ginampanan ni Maricel sa 1992 critically-acclaimed movie na Ikaw Pa Lang ang Minahal at sa The Heiress.

Ang Ikaw Pa Lang ang Minahal ang Philippine adaptation ng 1949 Hollywood film na The Heiress.

Tumanggap noon si Maricel ng mga papuri dahil sa outstanding performance niya bilang Adela, ang babaeng sabik sa pagmamahal pero kontrolado ng kanyang ama na tutol sa relasyon nila ni David (Richard Gomez) na isang manggagamit.

Continue reading below ↓

Ironically, The Heiress ang pamagat ng bagong horror movie na pinagbibidahan ni Maricel.

At bilang Luna, hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa pag-arte.

Si Adela sa Ikaw Pa Lang ang Minahal ang nagpaalaala sa amin habang pinapanood namin si Luna sa The Heiress dahil sa dekalibreng pagganap ni Maricel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muling pinatunayan ni Maricel Soriano na siya lamang ang nag-iisang Diamond Star ng Philippine Cinema sa mga eksena niya sa The Heiress.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results