Patricia Javier, ibinotong Darling of the Press sa 1st Noble Queen of the Universe

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2019
Ayon kay Patricia Javier, sisterhood at unity, hindi competition, ang tingin niya sa Noble Queen of the Universe para maitaguyod nila ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher ang kanilang beauty, health, and wellness advocacy.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram

Si Patricia Javier at ang Russian Internet sensation na si Anna Rabtsun, na matatas nang magsalita ng Tagalog, ang mga ibinotong Darling of the Press sa press presentation ng 1st Noble Queen of the Universe.

Ginanap ang press presentation sa Rotary Center Building, Roces Avenue, Quezon City, nitong November 26, Tuesday afternoon.

Si Patricia ang isa sa mga Philippine representative sa international beauty pageant na magaganap ang coronation night sa Manila Hotel sa darating na Linggo, December 1.

Kandidata rin sa nabanggit na beauty contest si Maffi Papin, ang former That’s Entertainment member na anak ng sentimental singer na si Imelda Papin.

Continue reading below ↓

Napaluha si Patricia dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan nang ipakilala siya bilang Luzon representative ng Pilipinas sa first-ever Noble Queen of the Universe.

Ayon kay Patricia, napaiyak siya dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng 20 official candidates ng Noble Queen of the Universe na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Patricia na sisterhood at unity, hindi competition, ang tingin niya sa beauty pageant na kanyang sinalihan para maitaguyod nila ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher ang kanilang beauty, health, and wellness advocacy.

Ang Noble Queen of the Universe ang pangatlong beauty contest na nilahukan ni Patricia, pero hindi na raw siya nakararamdam ng pressure dahil hindi required sa mga kandidata na magpapayat para gumanda ang mga hubog ng kanilang katawan.

"Sanay kasi ang mga tao na kapag beauty pageant, kailangan seksi ka at palaging maganda.

"Dito sa Noble Queen of the Universe, advocacy based kaya I can eat everything. Kanina, kumakain pa ako ng crispy pata.

"Dito kasi, yung performance ng kandidata ang tinitingnan, may outreach program kami for three days.

"Pumunta kami sa Pasig. Si Mayor Vico Sotto ang host namin for blood-letting, tree planting, at feeding program," kuwento ni Patricia.

Ang kapwa niya Darling of the Press winner na si Miss Russia, at ang delegates mula US at Australia ang tatlo sa mga kandidatang nakikita ni Patricia na magiging mahigpit na kalaban niya para sa korona at titulo ng Noble Queen of the Universe.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Patricia Javier, sisterhood at unity, hindi competition, ang tingin niya sa Noble Queen of the Universe para maitaguyod nila ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher ang kanilang beauty, health, and wellness advocacy.
PHOTO/S: Patricia Javier Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results