Marian Rivera, puwede na ulit makatrabaho ang mga alaga ng dating talent manager

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2019
Marian Rivera, makakatambal ang aktor na si Gabby Concepcion sa isang teleseryeng sisimulan sa 2020. Si Gabby ay alaga ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ang nalalapit na pagtatambal nina Marian Rivera at Gabby Concepcion sa isang primetime series ng GMA-7 ang isa sa mga positive effect ng pagkakasundo ng aktres at ng kanyang former manager na si Popoy Caritativo.

Hindi naiwasang nagkaroon ng lamat ang magandang relasyon nina Popoy at Marian nang magpasyang umalis ang aktres sa poder ng kanyang discoverer at mentor noong April 2013.

Mula noon, hindi na nakatrabaho ni Marian ang ibang talents ni Popoy.

Ang mga alagang aktor ni Popoy na sina Dennis Trillo at Rafael Rosell ang mga huling nakasama ng aktres sa Temptation of Wife mula October 2012 hanggang April 2013.

Tinapos muna ni Marian ang Philippine adaptation ng 2008 popular South Korean drama series bago niya kinumpirma sa publiko ang kanyang pag-alis kay Popoy at paglipat sa Triple A Management, ang talent management agency ng TV at movie producer na si Tony Tuviera.

Si Popoy ang manager ni Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Dahil sa reconciliation nila ni Marian noong huling linggo ng October 2019, malaya na ang aktres makatrabaho sa kanyang future movie at TV assignments ang mga talent ng discoverer-mentor niya.

Most likely, sa second quarter ng 2020 pa magsisimula ang taping ng TV project na pagsasamahan nina Gabby at Marian. May working title itong My First Yaya,

Sa contract renewal presscon ni Marian bilang celebrity ambassador ng Reverie by Beautederm Home, ikinuwento niya ang kasunduan nila ng kanyang asawa na si Dingdong Dantes na hindi sila magsasabay sa paggawa ng mga teleserye para may maiiwan sa pag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ang taping ng Philippine version ng Descendants of the Sun ang pinagkakaabalahan ni Dingdong sa kasalukuyan.

Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang Descendants of the Sun, na may 19 episodes lamang nang ipalabas sa South Korea.

Kapag natapos ito, saka lamang puwedeng umpisahan ni Marian ang bagong project niya sa kanyang home network.

Continue reading below ↓

Postscript: Incidentally, kinumpirma ni Rhea Tan, ang CEO ng Reverie by Beautederm Home na nag-triple ang sales ng mga produkto nila dahil sa endorsement ni Marian.

"After one month, the sales tripled because of Marian. Iba po talaga ang power ng isang Marian Rivera.

"Si Marian po, love siya ng big companies. Hindi lang siya nag-eendorso, nandoon po yung malasakit niya sa kumuha sa kanya.

"Nagme-message siya, 'Ate, kumusta yung benta natin?' Nandoon yung love at concern,” magandang balita ni Rhea na ikinatuwa nang husto ni Marian.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera, makakatambal ang aktor na si Gabby Concepcion sa isang teleseryeng sisimulan sa 2020. Si Gabby ay alaga ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results