Katrina Velarde, natatakot mag-concert sa mas malaking venue

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2019
Katrina Velarde on her second major concert: "Parang may doubt pa rin ako sa sarili ko, pero naisip ko na kailangan na i-surpass ko yun para mas makakanta ako nang maayos para sa mga momshie."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Bukas ng gabi, November 29, ang second major concert ni Katrina Velarde sa New Frontier Theater.

Ito ang dahilan kaya nakararamdam na siya ng kaba tulad ng naramdaman niya sa kanyang unang solo show, ang SiKATako, sa parehong venue noong February 1, 2019.

SiKATi2 ang pamagat ng ikalawang concert ni Katrina na repeat sana ng SiKATako.

Pero sinabi sa kanya ni Viva Entertainment producer Boss Vic del Rosario na kailangang mas bago ang show niya.

"In terms sa mga song, sa tulong ni Mr. Mon Faustino, mas ako po ang SiKATi2 dahil mas mare-release ko ang sarili ko sa mga song na kakantahin ko.

"Noong una kasi, mas more on production numbers.

"Ngayon, mas gusto kong tumutok sa music lang po. Puro kanta lang talaga siya," kuwento ni Katrina.

Nabigla sa desisyon ni Boss Vic na muling ipag-produce siya ng concert.

"Nung sinabi sa akin ni Boss Vic na gumawa uli ako ng concert, parang ayoko pa.

Continue reading below ↓

"Natatakot pa ako dahil parang kailan lang yung una, noong February 1 lang.

"Parang may doubt pa rin ako sa sarili ko, pero naisip ko na kailangan na i-surpass ko yun para mas makakanta ako nang maayos para sa mga momshie.

"Sobrang laki po sa akin nito dahil hindi lahat, nabibigyan ng ganitong opportunity na makapag-perform sa New Frontier."

Nang sabihin sa kanyang puwede na siyang magkaroon ng concert sa mas malaki na venue tulad ng Araneta Coliseum, nagpahayag ng pangamba si Kat.

"Natatakot ako sa mas malaking venue. Kinakabahan ako, wa charot.

"Tingnan po natin kung anong plano ni Lord.

"Hindi pa kasi ako sanay, marami ang magagaling ngayon.

"Sa totoo lang, lagi kang mako-compare, so parang minsan nagda-doubt ka sa sarili mo," sabi ni Kat.

Sina Michael Pangilinan, AKA JAM, Thyro Alfaro, at Bugoy Drilon ang featured guests sa SiKATi2.

Pero kung si Kat ang tatanungin, gusto rin niyang makasama sa isang concert si Lani Misalucha.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Kat na inimbitahan si Lani bilang special guest sa SiKATi2 pero may conflict sa schedule ng veteran singer.

Nonetheless, umaasa si Kat na darating ang araw na magkakasama sila ni Lani sa isang show.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Velarde on her second major concert: "Parang may doubt pa rin ako sa sarili ko, pero naisip ko na kailangan na i-surpass ko yun para mas makakanta ako nang maayos para sa mga momshie."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results