Joyce Pring, in-ambush interview ni Mel Tiangco tungkol sa detalye ng kasal nila ni Juancho Trivino

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2019
Mel Tiangco, inusisa si Joyce Pring tungkol sa kasal nito kay Juancho Trivino.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras

Si Joyce Pring ang pansamantalang pumalit kay Iya Villania bilang anchor ng "Chika Minute" segment ng 24 Oras ngayong gabi, November 28.

Hindi siya nakaiwas sa "ambush interview" sa kanya ni Mel Tiangco.

"Ang tanong namin, basic. Where and when?" maagap na tanong ni Mel sa fiancée ng Madrasta actor na si Juancho Trivino ilang minuto bago matapos ang 24 Oras.

"Next year na po ‘yan," nakangiting sagot ni Joyce.

Tanong ulit ni Mel: “When?”

Natatawang sagot ni Joyce: “Next year… first quarter next year at magiging garden wedding po ito.

"Very special kasi ito yung first place kung saan nag-'I love you' sa akin si Juancho."

Sundot na tanong ni Mel: "May napili na ba kayong ninong at ninang? Meron ba kaming kilala sa mga ninong at ninang?”

Sagot ni Joyce: "Naku po, alam niyo po, puwede kayong tumingin sa tabi niyo po.

"Ayan po, nandiyan na si Ninong Igan [Arnold Clavio]. Makakasama po natin."

Continue reading below ↓

Isa si Arnold sa mga unang nakaalam tungkol sa engagement at nalalapit na pagpapakasal nina Juancho at Joyce.

NINONG ARNOLD

Sa 20th anniversary presscon ng Unang Hirit noong Martes, November 26, nagbigay ng hint si Arnold.

Pero ang buong akala ng entertainment press na kausap niya ay nagbibiro lamang siya.

"Magnininong ako kay JuanChoyce kasi ikakasal sila… mamaya na ‘yan," ang kunwari’y nadulas na sabi ni Arnold.

"Oo naman" ang sagot ni Arnold sa tanong kung kinausap na siya nina Juancho at Joyce.

Pero nagbibiro pa rin siya ang inisip ng lahat, hanggang i-post ni Joyce sa Instagram account nito ang mga detalye tungkol sa engagement nila ni Juancho.

Kuwento ni Arnold, "Ang sarap na nabubuo yung ganoong pag-ibig sa Unang Hirit.

"Nakita ko yung sinseridad ni Juancho kasi minsan may personal din kaming usapan ni Joyce.

"Humihingi ng payo at naging maganda naman ang resulta.

"Sabi ko nga, naging bahagi ako ng relasyon na yun. Umusbong talaga, hindi pinilit.

Continue reading below ↓

"Itong si Juancho, matagal na pala niyang crush, naging daan lang ang Unang Hirit para sa mga ginagawa niyang sorpresa.

"Sabi ko nga kay Juancho, hindi ko kaya yung gigising nang umaga, susunduin mo sa airport, pupunta kayo ng Unang Hirit.

"O kaya wala kang assignment sa Unang Hirit, dadalawin mo sa set…

"Matagal niyang niligawan si Joyce at pareho silang masuwerte sa isa’t isa."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mel Tiangco, inusisa si Joyce Pring tungkol sa kasal nito kay Juancho Trivino.
PHOTO/S: Screen grab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results