Boy Abunda, naniniwala bang pinatay ng social media ang showbiz talk shows sa TV?

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2019
Veteran TV host Boy Abunda, ipinaliwanag kung bakit nawala ang showbiz talk show format sa TV networks.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang epekto ng social media sa mga showbiz talk show ang isa sa mga itinanong ng Cabinet Files kay Boy Abunda sa contract signing nito bilang official spokesperson at Level-Up ambassador ng AMA Online Education post-graduate courses ngayong hapon, November 29.

Para kay Boy, malaking-malaki ang epekto ng social media dahil naging host na ang lahat.

"Social media has become the talk show engine dahil everybody has become—this is a bit of exaggeration—everybody has become a host.

"Everybody has become a critic. Everybody has become a commentator.

"So, kung titingnan mo ‘yan, what is it that cannot be offered by everybody participating in the social media platform?

"Lahat ng mga ginagawa natin sa mga talk shows dati ay nagagawa na, except siguro analysis, dahil it would require experience and access to the newsmakers na wala ang iba.

"Pero ang kalaban naman natin, yung mga artista at mga public figure.

"Sila mismo, ginagamit na rin yung platform. Hindi katulad noon, hinahabol natin ang reaksiyon.

Continue reading below ↓

"Isang reaksyon, nandoon na sila.

"So analysis, the combination of many factors na maio-offer natin, pero mahirap na," paliwanag ni Boy.

Pero nais daw paniwalaan ni Boy na hindi pinatay ng social media ang mga showbiz talk show.

"Ayokong sabihin na siya ang pumatay. Buhay si Letterman sa Netflix, buhay si Jada Pinkett-Smith.

"Sa Pilipinas, nakaapekto nang malaki.

"I’m still doing it on Tonight with Boy Abunda to the best I can, but it has taken the form of a late-night talk show na showbiz ang materyal.

"Nakaapekto ito nang malaki, pero yung patay kasi may be too harsh, because hindi natin alam kung saan iikot, e."

Ipinapakilala na ngayon bilang Dr. Eugenio “Boy” Abunda ang veteran TV host dahil sa kanyang masteral at doctoral degrees, na pinilit niyang matapos para maipagmalaki siya ng mga magulang niya.

Inamin ni Boy na may pagkakataong naiilang siya kapag tinatawag na Dr. Boy Abunda, pero nasanay na rin siya.

Continue reading below ↓

"Noong una, naiilang. Pero sa mga unibersidad kung saan ako’y may engagement at interaction with academics, sanay na ako.

"Pero sa atin, halimbawa, sa studio, na tayo ay magkakilala even before the war, joke, may ilang factor.

"Parang, 'Ay, tinawag ako kahapon ni Manay ng doktor.'

"Pero sa classroom, when I guest lecture, nasanay na ako dahil kapag inisip mo rin, I worked hard for that title, I worked so hard.

"May mga nagsasabi na 'Ano 'yan, honorary?' 'Hindi ho, pinaghirapan ko ho talaga.'

"So, may dalawang mundo na puwede mo na pagdugtungin hanggang masanay ka siguro.

"Dati awkward, pero ngayon, okey na ako," pahayag ni Boy.

Masaya si Boy sa bagong partnership nila ng AMA Online Education, na katulong niya sa pagsusulong ng kanyang advocacy maging life-long learner, habang tumutulong sa mga taong naghahanap ng magagandang oportunidad sa pamamagitan ng online studies.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran TV host Boy Abunda, ipinaliwanag kung bakit nawala ang showbiz talk show format sa TV networks.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results