Jane de Leon, tinanggap ang cameo role sa The Heiress nang di pa siya napipiling Darna

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2019
Kabilang sina Jane de Leon at Alden Richards sa mga dumalo sa grand launch ng Belo BCG noong nakaraang Martes, November 26. Ayon sa kanilang mga tagahanga, bagay pagtambalin ang dalawa.
PHOTO/S: Instagram

Si Jane de Leon ang gumanap na young Maricel Soriano sa The Heiress, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. na palabas sa kasalukuyan sa mga sinehan.

Pero marami ang hindi nakakaalam na may special participation siya sa nabanggit na pelikula.

Tinanggap ni Jane ang cameo role niya sa The Heiress noong hindi pa siya ang napipili ng Star Cinema para gumanap sa iconic role ni Darna.

This early, itinuturing na si Jane bilang isa sa mga important star sa 2020 dahil sa pagkakapili sa kanyang Darna.

Ang paghahanda sa kanya ang tila isa sa dahilan kaya wala siya sa grand presscon at red-carpet premiere ng The Heiress.

Suportado rin ni Dra. Vicki Belo at ng Belo Medical Group ang showbiz career ni Jane dahil kahit hindi pa ito ganap na nailulunsad bilang Darna, kinuha na siya bilang new celebrity endorser ng sikat na beauty and skin clinic.

Nadagdagan din ang premium ni Jane nang magsulputan sa EDSA ang mga billboard niyang may kinalaman sa newly-inaugurated 370-sqm Belo flagship clinic sa One Bonifacio High Street Mall sa Bonifacio Global City.

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng collaboration sina Drs. Vicki Belo at Hayden Kho sa world-renowned Filipino architecture and design firm Budji + Royal para sa design ng Belo flagship clinic.

Gumawa ng Scarlet sofa, Victoria at Hayden chairs ang internationally-renowned interior designer na si Budji Layug para sa Belo BGC na ibinase niya sa unique Belo brand.

"There’s the Victoria occasional chair with a beautiful classic silhouette, a Hayden arm chair made from mahogany and velvet, and of course, there’s the Scarlet sofa. Everything was designed to make you feel you belong with Belo,” kuwento ni Layug tungkol sa proudly Filipino design ng Belo flagship clinic.

As expected, special guest si Jane sa star-studded grand launch ng Belo BCG noong nakaraang Martes, November 26.

Star-studded dahil dumalo rin sina Manila City Mayor Isko Moreno, House Representative Lucy Torres-Gomez, Marian Rivera, Maymay Entrata, Iza Calzado, Jinkee Pacquiao , Derek Ramsay, Andrea Torres, Karylle, Korina Sanchez, Margie Moran, at Alden Richards na bagay umanong maging leading man ni Jane sa future projects nito, ayon sa kanilang mga tagahanga.

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Jane de Leon at Alden Richards sa mga dumalo sa grand launch ng Belo BCG noong nakaraang Martes, November 26. Ayon sa kanilang mga tagahanga, bagay pagtambalin ang dalawa.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results