Katrina Velarde, pinatunayang walang epekto sa boses ang pagpapaayos ng ilong

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2019
Ipinakilala pa ni Katrina Velarde sa mga nanonood ng kanyang concert ang doktor na "gumawa" ng ilong niya.
PHOTO/S: @katrinavelarde24, Instagram

Binasag ni Katrina Velarde ang maling paniniwala na nagbabago ang boses ng isang singer kapag nagpaayos ito ng ilong.

Big success ang SiKati2, ang second solo major concert ni Katrina na naganap kagabi, November 29, 2019 sa New Frontier Theater at sa kanyang opening spiels, ikinuwento ng mahusay na singer na marami na ang mga nagbago sa kanyang buhay tulad ng ilong niya.

Hindi natakot si Katrina na aminin na nagpaayos siya ng ilong at itinuro pa niya sa audience gallery ang doktor na nag-opera sa kanya.

Walang epekto ang rhinoplasty procedure kay Katrina dahil buung-buo pa rin ang kanyang boses, suwabeng-suwabe ang mga pagbirit niya, at hindi siya nagpakita ng pagod sa pagkanta.

Ang pagiging kikay, honest, at pagkakaroon ng magandang boses ang ilan sa mga katangian na nagustuhan kay Katrina ng kanyang mga taga-hanga at supporter.

Hindi lamang ang ipinaayos na ilong ang ipinagtapat ni Katrina sa SiKati2 audience dahil ipinakilala rin niya ang kanyang foreign fiancé na si Mike na nanood ng concert sa pamamagitan ng Facetime.

Continue reading below ↓

Isang matalik na kaibigan ni Katrina ang may hawak ng cellphone na nakatutok sa stage para makapanood ng live via Facetime ang boyfriend ng singer.

Tumanggap si Katrina ng mga standing ovation nang kantahin niya ang "Somewhere Over the Rainbow" at "The Greatest Love of All."

Well-applauded ng manonood ang tribute ni Katrina kay Regine Velasquez, ang duet nila ni Bugoy Drilon, ang duet niya kay Michael Pangilinan, at ang special request ng lahat, ang impersonation niya sa singing voices nina Zsa Zsa Padilla, Britney Spears, Celine Dion, Moira dela Torre, Regine Velasquez, at Christina Aguilera.

Continue reading below ↓

At dahil malapit na ang Pasko, inawit ni Katrina ang isa sa mga pinakamagandang version ng "O Holy Night" na ipinarinig niya sa New Frontier Theater audience.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakilala pa ni Katrina Velarde sa mga nanonood ng kanyang concert ang doktor na "gumawa" ng ilong niya.
PHOTO/S: @katrinavelarde24, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results