Jun Lana, best director sa Estonia filmfest

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2019
Nanalo si Jun Lana sa 23rd Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia, para sa "Kalel, 15," ang pelikula niya na tungkol sa buhay ng isang teenager na HIV positive.
PHOTO/S: The Ideafirst Company Facebook

Isang araw matapos manalo ni Judy Ann Santos na best actress sa 41st Cairo International Film Festival (CIFF) para sa kanyang mahusay na pagganap sa Mindanao, ang Filipino director naman na si Jun Lana ang naghatid ng karangalan sa Pilipinas.

Si Jun ang nagwagi na best director sa awards night ng 23rd Tallinn Black Nights Film Festival na naganap kagabi, November 30, sa Tallinn, Estonia.

Nanalo si Jun para sa Kalel, 15, ang pelikula niya na tungkol sa buhay ng isang teenager na HIV positive.

Continue reading below ↓

Ang young actor na si Elijah Canlas ang gumanap na Kalel at co-stars niya sa pelikula si Jaclyn Jose at ang pumanaw na veteran actor na si Eddie Garcia.

Ang Japanese movie na Kontora ang tumanggap ng Grand Prix award ng 23rd Tallinn Black Nights Film Festival.

Best actress si Alina Serban ng Romania para sa kanyang role sa Gipsy Queen na co-production venture ng Austria at Germany.

Best actor si Cavan Clerkin, ang lead actor ng Muscle, ang thriller movie ng United Kingdom.

Best Script at NETPAC awardees sina Evgeny Ruman at Ziv Berkovich para sa Israeli dramedy na Golden Voices at ang When The Moon was Full ng Iran ang nanalo ng Festival Audience Award.

Ang Russian director na si Andrei Konchalovsky at ang Estonian filmmaker/sound director na si Enn Sade ang tumanggap ng Lifetime Achievement Awards sa international film festival ng Estonia na nagsimula noong November 15, 2019 at opisyal na magtatapos ngayong December 1, 2019.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanalo si Jun Lana sa 23rd Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia, para sa "Kalel, 15," ang pelikula niya na tungkol sa buhay ng isang teenager na HIV positive.
PHOTO/S: The Ideafirst Company Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results