Luane Dy at Carlo Gonzalez, ikinasal na

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2019
Luane Dy and boyfriend of eight years Carlo Gonzalez tied the knot via civil rites last Thursday, November 28, in Quezon City.
PHOTO/S: Instagram

Hindi sina Juancho Trivino at Joyce Pring ang mga mainstay ng Unang Hirit na unang magpapakasal sa first quarter ng 2020 dahil nauna na ang civil wedding ni Luane Dy at ng fiancé nitong si Carlo Gonzalez.

Nagpakasal sina Luane at Carlo noong nakaraang Huwebes, November 28, sa isang lugar sa Quezon City at sinaksihan ito ng kanilang mga pamilya.

Nangyari ang civil wedding ng dalawa anim na buwan matapos mangyari ang engagement nila sa Disneyland sa Anaheim, California noong May 2019.

Walang plano si Luane na ilihim ang pagpapakasal nila ni Carlo dahil ito ang big announcement niya bukas, December 2, sa unang linggo ng week-long 20th anniversary celebration ng Unang Hirit.

Walong taon na ang relasyon nina Luane at Carlo kaya ikinatuwa ng kanilang pamilya at mga kaibigan ang desisyon nila na magpakasal.

Reportedly, nakatakda sa 2020 ang church wedding nina Carlo at Luane na napapanood din sa telebisyon bilang co-host ng Eat Bulaga.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luane Dy and boyfriend of eight years Carlo Gonzalez tied the knot via civil rites last Thursday, November 28, in Quezon City.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results