Patricia Javier, kinoronahang Noble Queen of the Universe 2019

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2019
Actress Patricia Javier was crowned Noble Queen of the Universe 2019 at the grand coronation held at Manila Hotel, Sunday night, December 1.

Si Patricia Javier ang hinirang bilang Noble Queen Universe 2019 sa grand coronation na naganap sa Centennial Hall ng Manila Hotel kagabi, December 1.

Humakot din si Patricia ng special awards at siya rin ang crowd favorite sa beauty pageant with a cause na nilahukan ng 21 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Continue reading below ↓

Miss Noble Queen Earth si Jill Chapman ng West Coast USA, Miss Noble Queen Tourism si Anna Robtsun Baylosis ng Russia, at Noble Queen Globe ang Australian representative na si Beau Villanueva, at Noble Queen International si Maria France Imelda Papin Carrion.

First runner-up si Ritchell Catt ng Guam at 2nd runner-up si Sylvia Kim ng Korea.

Tumagal ng anim na oras ang coronation night ng 1st Noble Queen Universe dahil napakahaba na programa at pagbibigay ng Most Prominent Women Empowerment recognition sa ilang mga kababaihan.

Kabilang sa pinarangalan sina Gladys Reyes, Pokwang, Sanya Lopez, at Ara Mina na aliw na aliw sa mga koronang ipinutong sa kanilang mga ulo kaya parang mga beauty queen din ang mga pakiramdam nila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Gladys sa kanyang acceptance speech, "Thank you for this recognition.

"Dati po, Little Miss Philippines lang po ako pero ngayon, nakakatuwa na kailangan talaga mag-gown para sa koronang ito.

"First time ko po na maka-receive ng recognition with a crown and plaque."

Tulad ni Gladys, hindi rin makapaniwala si Pokwang na may korona rin siya para sa parangal na natanggap niya.

Sabi niya, "First time ko pong makaranas na may pa-korona na ganito. Feeling beauty queen din ako.

"Dati, nag-join din ako sa mga pa-beauty contest. Pumatol na ako sa mga Miss Gay, talo pa rin ako.

"Totoo ‘yan, pero sa pagiging nanay, dun talaga ako gumanda nang bonggang-bongga.

"Ang bawat kababaihan, lahat magaganda, especially ang mga nanay dahil nag-alay ng buhay para sa kanilang mga anak.

"Thank you, maraming-maraming salamat po, kakaiba talaga.

"Sa lahat ng nanay, ako ang mukhang tatay!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Patricia Javier was crowned Noble Queen of the Universe 2019 at the grand coronation held at Manila Hotel, Sunday night, December 1.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results