Bakit "ginto" sa Cruz family ang pangalang Tirso?

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2019
Tirso Cruz III (kaliwa) at Tirso Cruz IV (gitna), ipinaliwanag ang importansiya sa kanilang pamilya ng pangalang Tirso na sinimulan ng kanilang lolo na si Tirso Cruz Sr. (kanan).
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File

Hindi basta puwedeng gamitin ang pangalang Tirso Cruz.

Ito ang nalaman ng Cabinet Files sa launch ng "Pwede Pa Naman," ang debut single ni Tirso Cruz IV—ang pamangkin ng veteran at multi-awarded actor na si Tirso Cruz III.

Former child actor si Tirso Cruz IV aka Pong, pero naudlot ang kanyang showbiz career sa Pilipinas nang subukan niya ang kapalaran bilang singer sa iba’t ibang Asian countries.

Anim na taong huminto sa pagkanta si Pong dahil nagpasya sila ng kanyang misis na si Glenda na manirahan nang permanente sa Japan at asikasuhin ang Omakase, ang kanilang travel and tours agency.

Dahil passion niya talaga ang pagkanta, muling bumabalik si Pong sa local music scene sa pamamagitan ng kanyang single, ang "Pwede Pa Naman," na inilunsad sa Sage Bar, Shangri-La Makati, noong Linggo, December 1.

Dito nga naungkat ang history ng pangalan niya na hindi basta maaaring gamitin ng ibang mga kamag-anak nila.

Continue reading below ↓

Lahad ni Pong, "Bata pa ako, sinabi na ng tatay ko, sa family namin, na medyo parang ginto ang pangalan na Tirso.

"Sa mga Cruz, ginto ang Tirso.

"Siyempre, hindi maiiwasan noon na nagkaroon ng selosan, bakit sa akin napunta ang pangalan na Tirso Cruz IV?

"Sinasabi ko sa tatay ko, ‘Pa, bakit may ganyan [isyu]? Hindi ko naman ginusto yung pangalan.'

"Sabi niya, 'Hindi mo maiintindihan kasi bata ka pa. Pagtanda mo, malalaman mo kung ano yung Tirso sa Pilipinas. Pinaka-lolo mo pa ‘yan.’

"Ngayon, tumakbo yung panahon, naintindihan ko na.

"Kahit saan ako makarating, yung pangalan ko, kilala.

"Mas maraming advantage para sa akin dahil sa pangalan ko na ibinigay ng lola ko.

"Yung name ko, galing sa pinaka-lola namin, great great grandmother.

"Yun ang nagbibigay ng pangalan na Tirso sa family namin.

"So, nung namatay siya, naputol yung Tirso.

"Hindi ko na naitanong kung bakit sa akin ibinigay na pangalan ang Tirso."

Continue reading below ↓

Pinatotohanan ni Tirso Cruz III, aka Pip, ang kuwento ni Pong tungkol sa pagpili ng kanilang lola sa mga apo nito na bibigyan ng pangalan na Tirso.

Dumating si Pip sa single launch ni Pong bilang suporta sa kanyang pamangkin.

Nagsalita rin siya kung gaano nila nirerespeto ang pangalan ng kanilang lolo.

Saad ng veteran actor, "Kapag dinala mo yung pangalan ng lolo, you try to put your best foot forward. You may not be as good as him, but we try.

"Sinusubukan namin na alagaan yung pangalan na dala ko, hindi ako.

"Yung dala kong pangalan ang kailangan na, as much as possible, mabigyan ko ng due respect.

"Nagkataon yung pamangkin ko, ibinigay rin sa kanya yung pangalan na yun. So for us, it’s a great honor talaga.

"Napakataas ng pagtingin namin sa lolo namin. Mahirap pantayan yung mga ginawa niya.

"Mahirap pantayan yung talento niya. It’s a hard thing to follow."

Continue reading below ↓

Pinaalala ni Pip sa entertainment press na isang great musician ang Lolo Tirso nila.

Si Tirso Cruz Sr. ang composer ng "Mabuhay, My Philippines," ang unofficial presidential marching hymn na unang pinatugtog sa Manila Hotel noong May 16, 1931.

Si Tirso Sr. ang pinakasikat at highest-paid orchestra leader noon sa Maynila.

Si Tirso Sr. ang nagbukas ng pintuan ng entertainment industry para sa kanyang mga apo na patuloy naginagamit ang apelyidong Cruz bilang pagpupugay sa alaala niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tirso Cruz III (kaliwa) at Tirso Cruz IV (gitna), ipinaliwanag ang importansiya sa kanilang pamilya ng pangalang Tirso na sinimulan ng kanilang lolo na si Tirso Cruz Sr. (kanan).
PHOTO/S: Jojo Gabinete / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results