Marco Gumabao at Lovi Poe, dalawang oras kinunan ang love scene sa In Between Goodbyes

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2019
Marco Gumabao, aminadong nagkailangan sila ni Lovi Poe sa shooting ng kanilang intimate love scenes.
PHOTO/S: @gumabaomarco / @lovipoe Instagram

Memorable para kay Marco Gumabao ang unang araw ng shooting niya para sa In Between Goodbyes, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nila nina Lovi Poe at Tony Labrusca.

Si Joel Lamangan ang direktor ng In Between Goodbyes, at ayon kay Marco, nabigla siya sa kanyang first day of shooting dahil ang love scenes nila ni Lovi ang unang kinunan.

"Binigla ako," ani Marco na nailang nang gawin ang eksena kahit noon pa niya kilala si Lovi.

"Si Lovi, matagal na kaming magkaibigan. Nagkakasama kami sa Bench.

"But in terms of acting, first time ko siya na nakatrabaho.

"Nakakatawa dahil pareho kaming awkward sa love scenes namin, pero nandoon na kami.

"Si Direk Joel ang direktor, we just trusted him.

"Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari sa final edit," kuwento ni Marco tungkol sa love scenes nila ni Lovi na dalawang oras na kinunan.

Para kay Marco, malaking karangalang makatrabaho niya si Joel na kilala sa pagiging magaling pero mahigpit na direktor.

Continue reading below ↓

Sa tuwing may shooting siya para sa In Between Goodbyes, sinisiguro ni Marco na maaga siyang dumarating sa set dahil ayaw niyang maging cause of delay.

"Since first time ko na makakatrabaho si Direk Joel, lahat naman ng mga tao, alam na may pagka-strict siya.

"Dapat palaging on time ka sa set, but noong first-day shoot ko, noong una, kabadong-kabado ako, pero sobrang bait ni Direk Joel.

"Ang call time ko, usually 7 A.M. Dumarating ako sa set, 6:30 A.M. kasi sinasabi nga nila na hindi ka dapat ma-late basta kay Direk Joel.

"Ako naman, basta may call time, I arrive on time. If male-late ako, mga fifteen minutes lang.

"Pero ayoko rin na male-late. Ayoko rin i-delay yung shoot," pahayag ni Marco.

Mataas daw ang respeto ni Marco kay Direk Joel.

"Ang presence niya sa set, nakakatulong because you know that he’s Direk Joel Lamangan. Kailangan you’re always on your toes at palagi ka na at your best.

Continue reading below ↓

"For example, may mga artista na kapag sobrang bait ng direktor, sobrang lenient, minsan, hindi na seryoso at hindi na nakakapag-focus sa acting.

"Pero kay Direk Joel, importante rin yung takot, yung respeto. Ipakita ninyo ang respeto sa isa’t isa, sa direktor mo.

"You should respect his time, his effort, and everything.

"Nakakatuwa lang na parang bumabalik yung kahit takot ka kay Direk Joel, hindi mo mararamdaman."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao, aminadong nagkailangan sila ni Lovi Poe sa shooting ng kanilang intimate love scenes.
PHOTO/S: @gumabaomarco / @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results