Aga Muhlach, balik-MMFF pagkalipas ng 28 taon

by Jojo Gabinete
Dec 3, 2019
Pagkatapos ng 28 taon ay muling magkakaroon ng pelikulang pang-MMFF si Aga Muhlach sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No. 7, kung saan kasama niya ang child actress na si Xia Vigor.
PHOTO/S: Viva Films

Ang G classification ng MTRCB at ang Grade A na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7 ang ilan sa mga dahilan kaya maipagmamalaki ni Aga Muhlach ang pelikulang pinagbibidahan niya at official entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dahil sa G (General Audiences) classification ng MTRCB, maaaring panoorin ng mga maliliit na bata ang pelikula.

May kakaibang appeal sa mga Pilipino ang Korean blockbuster movie dahil nang sabihin ni Katrina Velarde sa SiKati2 concert nito noong nakaraang Biyernes na siya ang kakanta ng theme song ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No.7, malakas ang hiyawan at palakpakan ng audience niya sa New Frontier Theater.

Excited si Aga para sa 2019 filmfest movie niya dahil, ayon sa kanya, 28 taon na ang nakalilipas mula nang magkaroon siya ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Makalipas ang maraming taon, muling mararanasan ni Aga na sumali sa Parade of Stars na magaganap sa Taguig City sa December 23, 2019.

Continue reading below ↓

Ngayon pa lang, maugong na ang balitang malaki ang laban niya sa best actor category ng Gabi ng Parangal ng MMFF 2019 dahil sa kanyang challenging role sa Miracle in Cell No.7.

"A movie we all worked hard for, shared so much laughter and tears of joy,” description ni Aga tungkol sa filmfest movie niya na ipinost niya sa Instagram.

“Bonded with the cast who became family to me. To the whole cast, staff and crew and of course our director, Nuel Naval of Miracle in Cell No. 7, maraming salamat for the wonderful experience shared with you guys.

“Viva Films, thank you! At sa inyo pong lahat na walang sawang sumumusuporta at nagmamahal, sana ay magustuhan ninyong lahat ang aming munting handog ngayong Pasko.

“I’m extremely excited to be part of the MMFF 2019 again after 28 years since I last joined the Metro Manila Film Festival with Lea Salonga for Bakit Labis Kitang Mahal and with Aiko Melendez for May Minamahal, which both movies gave me the opportunity to bag the best actor award for 2- consecutive years in the MMFF.

Continue reading below ↓

“I look forward to seeing you all this Christmas! I hope you all find the time to watch Miracle. Isama po ninyo ang inyong buong pamilya, di po kayo magsisisi.

“At s’yempre, mula’t sa umpisa, ang ating mahal na Panginoon, It has always been You first and Your plans. It’ll always remain that way.

"To You, God the father remain all the glory, forever and ever."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 28 taon ay muling magkakaroon ng pelikulang pang-MMFF si Aga Muhlach sa pamamagitan ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No. 7, kung saan kasama niya ang child actress na si Xia Vigor.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results