Music producer ng SEA Games opening ceremony, sinagot ang isyu tungkol sa "Manila" at kay Robert Seña

by Jojo Gabinete
Dec 3, 2019
Si Eloisa Matias (kaliwa) ang nagsilbing music producer sa opening ceremony ng 30th SEA Games, habang ang beteranong singer na si Robert Sena (kanan) ang isa sa mga performer.
PHOTO/S: Instagram

Si Eloisa Matias ang music producer ng grand opening ceremony ng 30th SEA Games na ginanap sa Philippine Arena noong November 30, 2019.

Siya ang in-charge sa lahat ng mga kantang ginamit sa production numbers, walk music, parade music, procession music, at pre-show music.

Kaya siya ang nasa posisyon para sagutin ang isyu tungkol sa paggamit sa "Manila" sa entrance parade ng Philippine athletes, na tinutulan ng presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Sina Dennis at Rene ng Hotdog ang mga composer ng "Manila," ang 1976 hit song na muling sumikat at madalas na pinatutugtog ngayon sa radio stations dahil sa impact na nilikha nito sa 2019 SEA Games opening ceremony.

Kuwento ni Eloisa sa Cabinet Files, “Yung 'Manila' was composed by the Garcia brothers, Dennis and Rene.

"Si Greg Garcia [kapatid nila Dennis and Rene] is an executive of Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee.

"He offered the song 'Manila.' Ang suggestion was isama sa hip-hop medley ang 'Manila.'

Continue reading below ↓

"Pero sabi ko, hindi bagay sa hip hop.

"So I suggested na yun ang gamiting song kapag lumabas ang Philippine athletes dahil upbeat, and Manila is the capital of the Philippines, so very catchy siya."

ROBERT SEÑA

Nilinaw rin ni Eloisa sa Cabinet Files ang isyu na, diumano, last-minute replacement si Robert Seña sa "Kay Ganda ng Pilipinas" solo number nito.

"Hindi naman last minute, laging may isang standby number in case na kailanganin.

"One month before the SEA Games opening ceremony, we were told na 6,000 athletes ang magpaparada so my music was for thirty minutes.

"Then, a few days before the show, we were told, 2,400 lang daw ang magpaparada.

"So, ang laki ng ikakaikli sa program kaya itinuloy namin ang standby number.

"The talents who performed were 11, representing the eleven countries participating in the SEA Games.

"At least, tigdalawang participations lahat.

"Lani Misalucha ["Pambansang Awit" and closing], Elmo Magalona, Inigo Pascual and KZ Tandingan [hip hop and closing], Christian Bautista and Aicelle Santos [Kundiman before hip hop].

Continue reading below ↓

"So we needed a soloist.

"Jed Madela was hospitalized before the show, si Robert talaga yung unanimous decision to do the standby number.

"Pero in the end, nag- parade din ang lahat ng athletes, so mas masaya," paliwanag at kuwento ni Eloisa tungkol sa mga paghahanda niya para sa mga production number sa opening ceremony ng 30th SEA Games.

Maliban sa journalist na si Raissa Robles, pinupuri ng lahat ang solo performance ni Robert, pati na ang Pinoy na Pinoy na damit na ginamit niya na gawa ng television and film production designer na si Mitoy Sta. Ana.

ROBERT'S OUTFIT

May kuwento naman si Isay Alvarez tungkol sa damit na ginamit ng mister niya si Robert na, originally, si Apl.de.ap ang dapat magsusuot.

Dahil standby performer si Robert, hindi na siya nagkaroon ng panahong makapagpagawa ng damit kaya si Mitoy ang sumaklolo sa kanya.

Continue reading below ↓

Ayon kay Isay, "Para kay apl.de.ap yung damit na suot ni Robert.

"Wala nang time para makapagpagawa siya kay Eric Pineda o Maxi Cinco.

"And Floy Quintos [SEA Games opening ceremony director] wants something different than just a Barong Tagalog.

"Mitoy, who is a friend, binunot niya sa stack of clothes niya ang damit na ginamit ni Robert.

"It seems people like this look kasi ang daming nagtatanong kung sino ang gumawa."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Eloisa Matias (kaliwa) ang nagsilbing music producer sa opening ceremony ng 30th SEA Games, habang ang beteranong singer na si Robert Sena (kanan) ang isa sa mga performer.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results