Tatlong local films, sabay-sabay magbubukas ngayong December 4

by Jojo Gabinete
Dec 4, 2019
Ngayong araw, December 4, sabay-sabay magbubukas sa mga sinehan ang mga pelikulang Mañanita, Love Is Love, at Kaibigan.

Ang Mañanita ng Ten17P, ang Love is Love ng RKB Productions, at ang Kaibigan ng Perkinspired Flix ang tatlong Tagalog movies na magkakasabay na magbubukas ngayong araw, December 4, sa mga sinehan.

To date, ang kanyang Edilberta character sa Mañanita ang itinuturing ni Bela na pinaka-challenging role dahil sa mga physically, emotionally, at mentally exhausting training na pinagdaanan niya.

Continue reading below ↓

Isang sniper ang role ni Bela sa bagong movie project ng direktor na si Paul Soriano.

Bidang-bida si Bela sa Mañanita at hindi maiiwasang hindi siya makaramdam ng pressure dahil nakasalalay sa kanya ang box-office success ng pelikula.

Sina JC de Vera at Roxanne Barcelo ang lead stars ng Love is Love, pero mas gumawa ng ingay ang kanilang mga co-actor na sina Jay Manalo at Raymond Bagatsing.

Continue reading below ↓

Pinag-usapan ang matter-of-fact revelation ni Jay sa presscon ng Love is Love na nagkaroon na siya ng gay experience at ang paliguy-ligoy na sagot ni Raymond nang tanungin ito kung gay o straight ba siya.

Sinabi ni Raymond na "love is love" ang great answer sa tanong tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation dahil mahirap itong i-categorize at ipaliwanag, “no matter how we intellectualize it.”

Lastly, ngayon din ang opening day sa mga sinehan ng Kaibigan, ang pelikulang tila inilihim sa publiko.

Nalaman namin ang December 4 playdate ng Kaibigan nang aming makita ang “dark standee” nito sa isang sinehan.

Continue reading below ↓

Bahagyang nagkaroon ng ingay noon ang shooting ng Kaibigan dahil sa pagdating sa Pilipinas ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin, na may importanteng role sa launching movie ng Perkins twins na sina Jesse at Christian.

Si Stephen ang gumanap na ama ng Perkins twins sa Kaibigan.

Sa tunay na buhay, siya ang tatay ni Hailey Baldwin, ang asawa ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Bahagyang nawalan ng sariling identity si Stephen dahil mas kilala na siya ngayon bilang father in-law ni Justin.

Nakapanghihinayang na hindi na-promote nang mabuti ang Kaibigan dahil mga mahuhusay na aktor ang co-stars nina Jesse at Christian gaya nina Cesar Montano, Tirso Cruz III, Jean Garcia, Lani Mercado, at Boots Anson-Rodrigo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, December 4, sabay-sabay magbubukas sa mga sinehan ang mga pelikulang Mañanita, Love Is Love, at Kaibigan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results