Aktor na nagdirek ng pelikula, hindi pinayagang tumutok sa post-production

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Tinanggap ng aktor ang alok na maging direktor ng isang pelikula dahil pareho ang Christian beliefs nila ng producer ng project.

Ito ay sa kabila ng gusto muna ng aktor na magpahinga sa entertainment industry.

Maayos na nagampanan ng aktor ang kanyang mga responsibilidad bilang direktor, pero nagtaka siya dahil hindi pumayag ang producer na tutukan niya ang post-production ng pelikula.

Gusto sana ng aktor na magbigay ng mga suggestion para sa lalong ikagaganda ng kanilang proyekto, na hindi nangyari dahil ang kagustuhan ng producer ang nasunod.

Ikinalungkot nang husto ng aktor ang kanyang karanasan dahil ipinagwalang-bahala ang malasakit niya sa pelikula.

Malaki ang hirap ng aktor para mabuo ang proyekto, kaya masakit para sa kanya at sa mga kaibigan niyang nakakaalam sa tunay na kuwento nang hindi gamitin ang pangalan niya sa mga poster at billboard ng pelikula.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results