Bagong Miss Universe crown, US$5 million ang halaga

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2019
Kasama ang mga opisyal ng Mouawad at Miss Universe Organization, ipinakita ni reigning Miss Universe Catriona Gray sa invited guests at sa official candidates ng Miss Universe 2019 ang koronang unang gagamitin ng kanyang successor.
PHOTO/S: Doc Gamboa / Jonas Gaffud

Limang milyong dolyar (US$5 million) ang value ng bagong Miss Universe crown.

Ginawa ito ng Mouawad, ang world-renowned luxury jeweler at official crown provider ng 68th Miss Universe.

Naganap ang unveiling ng Mouawad Miss Universe crown sa Marriott Marquis Atlanta nitong December 5 (December 6, Philippine time ).

Kasama ang mga opisyal ng Mouawad at Miss Universe Organization, ipinakita ni reigning Miss Universe Catriona Gray sa invited guests at sa official candidates ng Miss Universe 2019 ang koronang unang gagamitin ng kanyang successor.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2019 sa December 8 sa Tyler Perry Studios sa Georgia, Atlanta, USA.

Ayon sa Mouawad, golden canary diamond ang centerpiece ng korona na simbolo ng pagkakaisa.

"The Mouawad Miss Universe Crown is an exceptionally beautiful incarnation of the Miss Universe Organization values, through its celebration of the good that can be achieved through the coming together of women form around the world as one community.

Continue reading below ↓

"The crown’s centerpiece, a shield-cut golden canary diamond weighing 62.83 carats, represents the Power of Unity and is meant to shield against biases to give equal opportunity to all humans," description ng Mouawad tungkol sa bagong korona na ipapalit sa Mikimoto crown na huling ginamit ni Catriona.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama ang mga opisyal ng Mouawad at Miss Universe Organization, ipinakita ni reigning Miss Universe Catriona Gray sa invited guests at sa official candidates ng Miss Universe 2019 ang koronang unang gagamitin ng kanyang successor.
PHOTO/S: Doc Gamboa / Jonas Gaffud
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results