Pinoy surfer Roger Casugay, hinangaan ang kabayanihan sa SEA Games

by Jojo Gabinete
Dec 8, 2019
Ang KMJS ang unang nagpakilala sa surfer na si Roger Casugay sa publiko nang mag-viral noong 2017 ang larawan ni Casugay at ng Dutch girlfriend nitong si Lisa Verweij.
PHOTO/S: @roger_casugay Instagram / GMA Network

Para sa seasoned and respected broadcast journalist na si Jessica Soho, kahanga-hanga ang kabayanihang ipinamalas ng surfer na si Roger Casugay.

Pinili ni Roger na iligtas mula sa tiyak na kapahamakan ang kanyang Indonesian competitor na si Arip Nurhidayat sa Men’s Longboard event ng 30th SEA Games sa San Juan, La Union, noong Biyernes, December 6.

Tumanggap si Roger ng mga papuri at itinuturing siyang bayani dahil sa pagliligtas niya kay Nurhidayat, na muntik nang malunod sa malalaki at malalakas na alon ng karagatan.

Naging dahilan ito para mawala sa Filipino surfer ang tsansang manalo ng gold medal.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng CNN Philippines kay Roger, sinabi nitong wala sa isip niya ang manalo dahil ligtas na sila ni Nurhidayat.

"As a surfer, mayroon kaming brotherhood, parang no matter what happen, kung yung isa nangangailangan ng tulong, puntahan mo.

"Kung ano yung mayroon ka, ibigay mo kung kaya mong ibigay.

"Wala na sa isip ko na manalo pa kasi safe na kaming dalawa sa nangyaring yun.

"Masayang-masaya kaming dalawa noong nakarating kami sa shore at saka nagtatawanan na lang kami, nagyakapan kami," pahayag ni Roger sa panayam sa kanya ni Rex Remitio ng CNN Philippines.

Ang pambihirang kabayanihan na ipinakita ni Roger ang naging instrumento para maungkat ang feature story sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa love life niya.

Ang KMJS ang unang nagpakilala kay Roger sa publiko nang mag-viral noong 2017 ang larawan ni Casugay at ng Dutch girlfriend nitong si Lisa Verweij.

Dahil sa unique love story ng dalawa, nagkaroon ng interes ang KMJS na maglabas ng kuwento.

Continue reading below ↓

At press time, may 12 million views na ang two-year-old YouTube video ng KMJS tungkol sa pagmamahalan nina Roger at Lisa.

Patuloy ring nadaragdagan ang mga positive comment dito.

Ang interes ng publiko tungkol sa kabayanihan ni Roger ang dahilan kaya may mga suggestion na "i-KMJS" siya muli sa top-rating Sunday night television program ni Jessica .

Sabi naman ni Jessica, "Mukhang dapat talaga siyang ma-feature. Kahanga-hanga siya."

Out of curiosity, tinanong namin kay Jessica ang pakiramdam nito kapag sinasabi ng mga tao na “i-KMJS na ‘yan” sa tuwing may mga lumilitaw na isyu at kontrobersiya, malaki man o maliit.

Labinlimang taon nang namamayagpag sa telebisyon ang news magazine show ni Jessica at bahagi na ito ng pamumuhay ng mga Pilipino, kaya ang nabanggit na programa ang unang pumapasok sa kanilang mga isip kapag may mga pumuputok na isyu.

Buong pagpapakumbabang sinagot ni Jessica ang tanong namin at, tulad ng dati, hindi niya inangkin ang kredito sa malaking tagumpay ng KMJS.

Continue reading below ↓

"Modesty aside at dahil proud ako sa kanila, gusto ko lang sabihin na ang sisipag at mahusay ang staffers ng KMJS.

"For the most part, name, face, voice, inspiration, taga-quality control at taga-edit na lang ako ng scripts.

"Ang mga producer ko ang nagdye-generate ng content namin.

"The credit for our shout-out na 'i-KMJS na iyan" belongs to our program manager, Lee Joseph Castel,” pahayag ng multi-awarded broadcast journalist.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang KMJS ang unang nagpakilala sa surfer na si Roger Casugay sa publiko nang mag-viral noong 2017 ang larawan ni Casugay at ng Dutch girlfriend nitong si Lisa Verweij.
PHOTO/S: @roger_casugay Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results