Pinoy version ng Miracle In Cell No. 7, mas maganda kumpara sa original Korean version?

by Jojo Gabinete
Dec 9, 2019
PHOTO/S: Viva Films

Nagkakaisa ang lahat ng mga dumalo sa special screening ng Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7 na malaki ang tsansa ni Aga Muhlach na manalong best actor sa Gabi ng Parangal ng 45th Metro Manila Film Festival.

Gaganapin ang awards night sa New Frontier Theater sa December 27, 2019.

Ang VIP Cinema ng Fishermall ang venue ng special screening ng official entry ng Viva Films sa MMFF nitong Lunes ng hapon, December 9.

Komento ng ilang mga nakapanood, mas maganda kumpara sa original Korean version ang Philippine adaptation ng Miracle in Cell No. 7.

Mas ramdam na ramdam daw kasi nila ang pagiging Pilipino ng mga karakter sa pelikula ni Aga, na hindi basta bida dahil co-producer din siya.

Sa presscon ng Miracle in Cell No. 7, nagsalita si Aga na magpapa-party siya kapag nanalong best actor.

Mukhang matutupad ang pangako niya, base sa kanyang ipinamalas na performance.

Continue reading below ↓

Hindi lamang si Aga ang nagpakita ng mahusay na pagganap.

Malaki ang laban ni John Arcilla sa best supporting actor category at pang-best child performer ang acting ni Xia Vigor.

Magagaling din ang kanilang mga co-star na sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, at Soliman Cruz.

May special participation sa Miracle in Cell No. 7 sina Tirso Cruz III, Andrea del Rosario, Epy Quizon, Mark Anthony Fernandez, Ian de Leon, Yayo Aguila, Ruby Ruiz, at Ronnie Lazaro.

Panghihinayang para kay Nadine Lustre ang aming naramdaman habang pinapanood si Bela Padilla na gumanap bilang grown-up daughter ni Aga.

Importante ang role at malaki ang exposure ng character na tinanggihan ni Nadine na napasakamay ni Bela dahil ito ang opening scene at closing scene.

Pasulpot-sulpot din si Bela sa maraming eksena ng pelikula kaya hindi puwedeng sabihing maliit lamang ang role niya.

Mahirap makalimutan ang heart-tugging performance ni Bela sa huling eksena ng Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Si Quezon City District 5 House Representative Alfred Vargas ang nag-iisang celebrity na dumalo sa special scereening ng Miracle in Cell No .7 at puring-puri niya ang pelikula na nagpaiyak din sa kanya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results