Pokwang, may theory sa pagkatalo ni Gazini Ganados; Catriona Gray, nagkamali sa pagbigkas ng Tagalog word

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2019
(Left) Gazini Ganados in her Philippine eagle-inspired national costume; (right) Catriona Gray in her final walk as Miss Universe 2018.
PHOTO/S: Miss Universe Facebook / Catriona Gray Instagram

May nanalo na sa 68th Miss Universe, pero hindi pa rin tapos ang diskusyon ng mga kababayan natin tungkol sa naging kapalaran ng Philippine bet na si Gazini Ganados.

Saan nagkulang si Gazini ang tanong ng karamihan.

Sa lahat ng mga sumagot, ang comedienne na si Pokwang ang nagbigay ng funny at witty observation.

Sa tingin ni Pokwang, nalito ang mga hurado sa mga ginawa ni Gazini.

"Nalito ang mga hurado kasi ang pino-project niya, Phoenix walk, 'tapos naka-aguila siya na costume.

"Dapat alam niya kung ano at sino siya ng araw na iyon! And I thank you,” ang nakakatawa pero “ relevant” na paniniwala ni Pokwang.

Hindi naman nakaligtas sa mga Pilipino ang Tagalog part ng farewell speech ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Imbes na karangalan, “karalangan” ang sinabi ni Catriona.

Hindi ito naiwasto dahil tiyak na hindi Pilipino ang nag-edit ng kanyang farewell speech kaya hindi rin alam ang correct pronunciation sa nabanggit na Tagalog word.

Continue reading below ↓

Hindi naman nakaligtas sa matalas na paningin at memorya ng mga Pilipino na si Miss Universe 2017 Demi Leigh Nel-Peters ang nagputong ng Miss Universe crown kay Catriona nang manalo ito sa Bangkok, Thailand noong nakaraang taon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ngayong 2019, parang ibinalik lamang ng Pilipina beauty queen ang korona sa South Africa dahil mula rito ang newly-crowned winner na si Zozibini Tunzi.

Continue reading below ↓

Meanwhile, magbabakasyon sa Los Angeles, California si Gazini kaya sa January 2020 pa ang balik niya sa Pilipinas.

Ayon kay Gazini, masaya siya para sa Miss Universe victory ni Zozibini.

"Super happy ako ‘coz she’s really nice and we got to bond also.

"She’s so inspiring. The message she was trying to relate to all the audience was very empowering.

"It’s like a power of unity," sabi ni Gazini.

Nangako si Gazini na ipapasyal si Zozibini kapag bumisita ito sa Pilipinas.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Gazini Ganados in her Philippine eagle-inspired national costume; (right) Catriona Gray in her final walk as Miss Universe 2018.
PHOTO/S: Miss Universe Facebook / Catriona Gray Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results