Patch Magtanong, sasali kaya sa Miss Universe Philippines 2020?

by Jojo Gabinete
Dec 10, 2019
Will Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong try again her luck in a beauty pageant next year now that Binibining Pilipinas Charities, Inc. is no longer the franchise holder of Miss Universe Philippines?
PHOTO/S: Patch Magtanong Instagram

Nababanggit ang pangalan ni Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia "Patch" Magtanong sa pagkalas ng Miss Universe Organization sa Binibining Pilipinas Charities, Inc.

Simula sa 2020 ay ang Miss Universe Philippines Organization, na pamumunuan ni Shamcey Supsup-Lee, na ang magiging franchisee ng Miss Universe.

Si Patch ang reigning Bb. Pilipinas International.

Dahil wala na sa BPCI ang karapatan sa pagpili ng kandidatang ipadadala sa Miss Universe, maaari at malaki ang posibilidad na sumali siya sa Miss Universe Philippines sa susunod na taon.

Kabilang si Patch sa mga beauty queen na kasali sa November 23 fashion show sa Kawit, Cavite na project ni Kawit Mayor Angelo Emilio Aguinaldo.

Dito namin siya nakausap tungkol sa posibilidad na muling pagsali sa beauty contest kapag naipasa na niya sa kanyang successor ang Bb. Pilipinas International crown.

"I’m not closing any doors. I’m the type of person na if there’s any opportunity and I see that’s best for me to make me a better person, I’ll do it," sagot ni Patch, na pang-Miss Universe ang Filipina beauty at intelligence.

Continue reading below ↓

Nang maging kandidata siya sa Miss International sa Tokyo, Japan noong November 12, 2019, isa si Patch sa mga nagbigay ng pinakamaganda at pinaka-intelihenteng pahayag.

Pero hindi ito naisalin nang maayos sa wikang Hapon ng interpreter niya.

"Maaari po na that’s the case na mali yung interpretation but, at the end of the day, hindi naman po sa speech yun, e.

"The organization wants their queen, they have their own peg.

"And kahit anong galing ng speech ko, kung hindi nila ako nakikitang fit to be their queen, hindi talaga ako yun.

"And I really think that Miss Thailand is so deserving. She’s so nice and I’m very happy for her.

"I’m so happy for Thailand because it’s their first [Miss International] crown," sabi ni Patch.

Napangiti si Patch sa aming opinyon na siya lamang ang puwedeng itapat kay Miss USA 2019 Cheslie Kryst sa 68th Miss Universe dahil pareho silang mga abogado ang propesyon.

Continue reading below ↓

Si Jonas Gaffud ang creative director ng Miss Universe Philippines Organization.

Dahil nasa Atlanta, Georgia pa siya, ipinadala na lang namin sa kanyang FB messenger ang aming tanong kung puwedeng sumali si Patch sa Miss Universe Philippines 2020. “

"Bawal pa ako mag-comment," sagot ni Jonas.

Pero wala kaming nakikitang dahilan para hindi subukan ni Patch sa pangalawang pagkakataon ang kanyang Miss Universe bid dahil iba na nga ang franchise holder.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Bb. Pilipinas International 2019 Patch Magtanong try again her luck in a beauty pageant next year now that Binibining Pilipinas Charities, Inc. is no longer the franchise holder of Miss Universe Philippines?
PHOTO/S: Patch Magtanong Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results