Senator Bong Revilla, nagbigay ng update sa kasal ng anak na si Jolo Revilla kay Angelica Alita

by Jojo Gabinete
Dec 16, 2019
Ginaganap ngayon sa Pelican Hill, Newport Beach, California, USA, ang kasal nina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita (kanan). Nagbigay naman ng update ang ama ni Jolo na si Senator Bong Revilla (kaliwa) sa ginaganap na kasalan.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook Live

Excited father si Senator Bong Revilla Jr. dahil sa pag-iisang dibdib ng kanyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ng fiancée nito na si Angelica Alita.

Ang Pelican Hill sa Newport Beach, California ang venue ng Revilla-Alita Nuptials na ginaganap nitong December 15, 3 P.M. (December 16 ng umaga sa Pilipinas).

Sa kanyang Facebook live ngayong 7:05 A.M., ipinakita ni Senator Bong ang magandang lugar na pagdarausan ng kasal nina Jolo at Angelica.

Nagbigay rin siya ng ibang mga detalye tungkol sa magaganap na wedding ceremony.

Pag-a-update ni Senator Bong, "Finally, ikakasal na siya. Seven o’clock pala sa inyo diyan sa Pilipinas.

"Tayo po ngayon, nandirito sa Los Angeles, Newport, actually.

"For now, ito po ang status dito ngayon. Very beautiful place and very beautiful day.

"Halos nandito na rin po yung mga ninong at ninang, mga kaibigan natin, buong pamilya, except my father, si Daddy [Ramon Revilla Sr.], nasa Cavite ngayon.

Continue reading below ↓

"Daddy, if you’re watching, ito po yung kaganapan ngayon dito.

"Anyway, I’ll get back to you later at ipapakita natin diyan sa inyo kung ano ang nangyayari dito ngayon sa Newport.

"Again, everyone, I’m sure excited din kayo sa makikita ninyong kasalan ni Jolo at ni Angel.

"Very simple wedding, pero I just hope na maging masaya ang aking anak at si Angel."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginaganap ngayon sa Pelican Hill, Newport Beach, California, USA, ang kasal nina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita (kanan). Nagbigay naman ng update ang ama ni Jolo na si Senator Bong Revilla (kaliwa) sa ginaganap na kasalan.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results