Cherie Gil at Angel Aquino, pumayag magkaroon ng love scene sa Kaputol

by Jojo Gabinete
Dec 17, 2019
Alfred Vargas and Cherie Gil play siblings in the indie film Kaputol, directed by McArthur Alejandre.

Ang Kaputol ang unang indie movie ng direktor na si McArthur Alejandre na mula sa panulat ng multi-awarded writer na si Ricky Lee.

Mga bida sa Kaputol sina Quezon City District V House Representative Alfred Vargas at Cherie Gil.

"A movie within a movie" ang kuwento ng Kaputol kaya dapat na maumpisahan ito para maunawaan ng manonood ang kabuuan ng pelikula.

Si Lav Diaz, na kaibigan ni Alejandre, ang director of photography ng pelikula kaya makikita ang malaking impluwensiya niya sa bawat eksena.

Sa pelikula, magkapatid sina Cherie at Alfred na kapwa may pinagdaraanang personal sa kanilang mga buhay.

Tumatalakay rin ang Kaputol sa mga desparacido o mga taong biglang nawala at pinaghihinalaang dinukot at pinatay ng militar.

Mahusay sina Alfred at Cherie sa mga karakter na kanilang ginampanan, pero hindi maiiwasang hindi pag-usapan ang love scene nina Cherie at Angel Aquino.

Maikukumpara sa mapangahas na lovemaking scene nina Cindy Miranda at Rhen Escaño sa Adan ang love scene nina Cherie at Angel, na pumayag magkaroon ng torrid kissing scene dahil ang pagiging mga aktres ang pinairal nila.

Continue reading below ↓

Still, malakas ang gulat factor ng lovemaking scene ng 56-year-old (Cherie) at 46-year-old (Angel) actresses.

Most probably, sa 2020 na ang playdate ng Kaputol sa mga sinehan dahil plano nina Alfred at MacArthur na isali at ipalabas sa mga international film festival ang kanilang art film.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas and Cherie Gil play siblings in the indie film Kaputol, directed by McArthur Alejandre.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results