Coco Martin at Maine Mendoza, puring-puri ng kani-kanilang co-stars

by Jojo Gabinete
Dec 20, 2019
Kung noong 2018 ay nagsanib-puwersa sina Coco Martin at Maine Mendoza, ngayong MMFF 2019 ay magkatapat ang kani-kanilang mga pelikula na parehong action-comedy.
PHOTO/S: Noel Orsal

Noong 2018 sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin ang magkakasanib-puwersa sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles, isa sa mga official entry sa 44th Metro Manila Film Festival.

Matatandaang ipinagtapat noon ni Maine sa presscon ng Jack Em Popoy na distant relatives sila ni Coco kaya hindi puwedeng lagyan ng romantic angle ang pagtatambal nila sa pelikula.

Ngayong 2019, magkatapat na ang mga filmfest entry nina Coco at Maine na parehong action comedy, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon at Mission Unstapabol: The Don Identity, respectively.

Coincidentally, nagmistulang tribute para kina Coco at Maine ang presscon ng mga pelikula nila dahil sa mga papuring natanggap ng dalawa mula sa kanilang mga co-star.

COCO MARTIN

Ayon kay Pepe Herrera, istriktong direktor si Coco pero kailangan para mabilis na matapos ang mga trabaho nila.

"Kapag pumunta ka [sa set] ng ala-singko, magsisimula talaga kami ng ala-singko, kaya productive mula umaga hanggang gabi.

Continue reading below ↓

"Pero gusto rin namin yun kasi kami rin ang makakauwi nang maaga."

Sinabi naman ni Sancho delas Alas na perfect example si Coco ng isang mahusay na lider.

"Kaya ko po nasabi na lider, kasi si Kuya lahat—siya po ang creative, siya po ang nagdidirek sa amin sa Ang Probinsyano, at the same time, sa movie.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kumbaga, matagal na po kaming kasama ni Kuya sa trabaho na hindi takot, e.

"Kapag nagsalita siya, ia-acknowledge mo yung sasabihin niya sa 'yo with utmost respect.

"Kapag sinabi ni Kuya na mag-focus na kayo sa trabaho, lahat po nagpo-focus.

"Basta makinig ka lang po sa sinasabi niya palagi, be on time, saka dun sa set po ni Kuya ako natutong kumalas sa cellphone.

"Isa po yun sa mga pinakaayaw ni Kuya, cellphone. Kapag oras ng trabaho, lahat nagtatrabaho. Bawal pong ginagamit during working hours."

"Very giving" naman ang description ni Bianca Manalo kay Coco dahil pinagbibigyan sila nitong maipakita ang kanilang mga talent sa pag-arte.

Continue reading below ↓

"Totoo yung sinasabi na what you give, you will get, kaya marami po ang nagmamahal sa kanya kasi po mapagbigay po siya."

MAINE MENDOZA

Mga papuri rin ang tinanggap ni Maine Mendoza mula sa mga kasamahan niya sa Mission Unstapabol: The Don Identity kaya nailang siya sa presscon ng kanilang pelikula habang pinakikinggan ang mga pahayag ng kanyang co-actors.

Sabi ni Pokwang, "Nakita ko sa kanya na kahit galing siya sa mga segue, segue, wala kang mararamdamang nagpamaldita dahil pagod siya.

"Pero hindi, smile pa rin siya. Talagang napaka-professional."

Papuri naman ni Vic Sotto, "Magaling na artista, kahit saan mo isabak ito, action, magaling.

"Ilagay mo sa comedy, the best. Magaling siya, magaling ang timing.

"Pagdating sa medyo nagkakadramahan na, magaling mangusap ang mata."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung noong 2018 ay nagsanib-puwersa sina Coco Martin at Maine Mendoza, ngayong MMFF 2019 ay magkatapat ang kani-kanilang mga pelikula na parehong action-comedy.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results